Mga dapat ihanda upang makagamit ng PhilHealth ang pasyente: Paki handa po ang mga sumusunod na umaakma sa PhilHealth ng inyong pasyente: 1.) MDR 2018 a. Magdala po ng Marriage Contract o birth certificate ng anak KUNG hindi po kasali sa MDR ang pangalan ng pasyente. 2.) MDR na Senior Citizen a. Kung wala pang MDR na Senior Citizen, magdala po ng Senior Citizen na ID at Marriage Contract. 3.) Kung 4Ps member: a. Marriage Contract (kung kasal) b. Birth Certificate ng anak (kung anak ang pasyente) c. Baptismal Certificate (kung hindi pa rehistrado and birth certificate ng anak) d. 4Ps Certification na galing sa Municipal Link o sa Municipal Social Welfare and Development Office 4.) Kung walang PhilHealth: a. Certificate of Indigency b. Marriage Contract (kung kasal) c. Birth Certificate ng anak (kung anak ang pasyente) d. Baptismal Certificate (kung hindi pa rehistrado and birth certificate ng anak) e. Valid ID o Birth Certificate ng mga magulang (kung anak ang pasyente 5.) Kung nagtatrabaho sa Gobyerno o Pribadong Kompanya: a. MDR b. Marriage Contract kung asawa ang pasyente at HINDI pa deklarado c. Birth Certificate kung anak ang pasyente at HINDI pa deklarado d. Claim Signature Form (CSF) na ipapapirma sa kompanya kung hindi updated ang PhilHealth 6.) Kung nagbabayad ng PhilHealth tuwing tatlong buwan: a. MDR b. Resibo ng pinagbayaran (sa huling anim na buwan) c. Marriage Contract kung asawa ang pasyente at HINDI pa deklarado d. Birth Certificate kung anak ang pasyente at HINDI pa deklarado 7.) Kung OFW a. MDR b. Resibo ng pinagbayaran (kamakailan lamang na bayad) c. Marriage Contract kung asawa ang pasyente at HINDI pa deklarado d. Birth Certificate kung anak ang pasyente at HINDI pa deklarado e. Kung hindi pa nakabayad ng PhilHealth, magdala ng kopya ng VISA at Passport ng OFW na miyembro 😀
Eto po mamshies, based lang sa experience ko. 2017 pa po huling hulog ng philhealth ko and nung March 8 po nanganak ako sa public hospital, bale lip ko lang nag asikaso para mapa indigent ang philhealth ko day after ako manganak. Pero dapat po make sure na may brgy id at indigency ka bago ka pa nanganak. Kailangan po 1 year mahigit ka na walang hulog para ma approve yung pag indigent mo. Kung june po ay manganganak ka at nakapag hulog ka pa ng bandang march, hindi po talaga maaaprove yan, sasabihan lang kayo ma bayaran yung mga buwan na walang hilog. Hanggang month of december lang po ang babayaran nila. Kasi yung saken march-december ang nakalagay sa mdr na nakuha ni lip. Pero may sinasabi din ang philhealth na dapat 9 mos may hulog ang philhealth bago magamit. So kung manganganak ka tapos lagpas na sa 9 mos period ay hindi ka pa nakapag indigen4, hindi ko na po alam process nun hahaha pasensya na po Btw hindi lang po sa panganganak yan pwede mag apply, kahit anong case po pwede yan
Reminder lang po : ang sponsored philhealth po ay di para sa lahat.. unfair nga naman diba kung ikaw nagbabayad ng philhealth pero nabawasan lang bill mo . marami po akong nakasabay na ganung case sa ospital, naghuhulog sila sa philhealth pero binawasan lang bill nila at nakadepende pa sa laki na ng nahulog mo ung ibabawas sa bill. Ganun din naman po nangyari sakin nung nanganak ako, nakita kase nilang may hulog yung philhealth ko kaya binawasan lang ung bill. ang sponsored po kase ay binibigay lang sa mga walang kakayahan talaga. katulad samin nun na parehu kaming walang work ng partner ko.. walang sourece of income. kaya nga po may interview ung SWA .. kase dun nila makikita kung karapat dapat ka。 pero good for 1year lang po yun, at wag din po sanang umasa nalang sa ganun.. mas maige pading maghulog sa philhealth. katulad ngayon, nakakapaghulog na ako kase may trabaho na.
Gara lang po. 😅 Nung nagpunta ako sa Philhealth office namin para i-notify na manganganak ako, pinagbayad po ako ng contribution kung saang buwan at taon ako nag-stop maghulog. So, bale 17 months po pinabayad hanggang sa buwan na manganganak ako. Meron po palang ganyan.. nagtanong naman ako kung ano yung process para maging indigent ako.. kaso nung nanganak naman ako hindi ko rin nagamit Philhealth ko, walang less na binayaran kong bill dahil less than 24 hours lang daw ako sa hospital. Ayun, parang nawalan na ako ng gana maghulog sa Philhealth. Sana yung pinahabol sa akin na contribution , pinangdagdag ko na lang din na pambayad ko nun sa bill ko sa hospital. 😅
sken po may philhealth po ako date nung manganganak ako sa bunso ko .kumuha ako nagbayad ako ng 1200 tapos nov.2017 ako nanganak sa anak ko bayad yung philhealth ko hanggang december tapos pag pasok ng january 2019 hinulugan ko ulit ng jan.-march tapos nun di ko na nahulugan ulit .tapos pagka august nagkasakit anak ko nag ka dengue inilapit ko po sa swa pag ka admit palang ng anak ko pumunta agad ako sa swa tapos inasikaso po ng swa sa philhealth . di na daw active philhealth ko .pero ginawan nya paraan kaya wala na kami binayaran sa ospital nun .tapos nitong month lang kumuha ako ng Bagong MDR sa philhealth nabago na member nako as Sponsored hindi na informal sector
Momsh, Expired na po an PhilHealth ko Tas kailangan na erenew habang ma'aga pa August paman kabuwanan ko. Sabi Ng byenan ko magkuha daw Ako indigency Sa Barangay Hall tapos pumunta Ng DSWD para makakuha Ng certificate para renewal Sa PhilHealth na Walang bayad. Tapos pagpunta ko Ng DSWD Hindi Sila naga.issue Ng Certificate Kung Hindi member Ng kahit anong DSWD related Org., Todo explained naman Ako Sa byenan ko Pero Ayaw nyang maintindihan, Mahal daw ang bayad pag renewal Sa PhilHealth. Buti nalang po nag post kayo, Nagka.idea ako 😁 Salamat. Ma.process na Ako Sa Monday, ma'uran man today. 😇
Mga mommies. lging nakakalimutan ni philhealth n sabhin na Ang indigent philhealth ay para s mga wla tlga pang pa hospital at my social worker dpat n mag aassess and Ang indigent n Philhealth ay applicable lng Po sa service ward or charity ward NG govt. Hospital or Kung my philhealth ward sila.. Hindi niyo Po Yan magagamit sa private ward NG govt hospitals as indigent, mgging ordinary n Philhealth n lng siya pag ginamit sa private ward it means per case Ang bawas NG philhealth.. 🙂
panu po kapag ganito yun case naghuhulog po ako ng philhealth kasi matagal nako ng work tas nalaman ko kasama parin pala ko sa 4ps indigency na tinatawag na yan bali dalwa yun nghuhulog sa philhealth ko sa government at sa trabaho ko.pumunta ko sa philhealth ofice kuha sana ko ng id ng phil health kasi malpit na ko manganak kaso di nila ko binigyn kasi ipaayus ko muna daw po yun philhealth ko sa employer ko.tanong ko lng po magagamit ko kaya yun indigent na yan kapg nanganak ako??
Opo magagamit nyo po. Check nyo mabuti sa Philhealth if ano po membership status nyo
paano ung case ko? last 2020 pa po ung last hulog ko. wala kase kong work. tapos ung philhealth ng asawa ko 2018 pa naka indigent never pa nagamit. kasal kami pero d pako naka lagay sa philhealth nya. d pa na update. need pa po ba ung irenew para magamit ko sa feb 2023. wala kase kaming kakakayanan makapag hulog pa ng philhealth e. magagamit din naman ang philhealth sa OPD Ward po diba. or pwede ko pong ilapit ung mismong philhealth ko para ma indigent.
pano naman po kame na nag huhulog ng philhealth yearly na informal economy??? buti pa sola kahit di na mag hulog pwede dapat po mas mataas yung discount ng mga nagbabayad ng philhealth kesa dun sa naka automatic na philhealth kc parang unfair naman samen na naghuhulog tapos pareho lang yung less ng hospital sa automatic philhealth... edi parangas mabuti na huwag nalang mag bayad yearly may automatic naman diba parang ganon???
Dami dito sa amin indigent yung philhealth nila, yung iba 4ps member. Need talaga natin magsumikap kasi walang ibang tulong na nakalaan sa ating mga lower middle class
kaesi25