Hello mga mumshies. Just want to share with you my birthing story. I gave birth to my baby.girl last Friday, Feb 14. I had an emergency c-section. The reason behind that, nagpreeclampsia na pala ako. Kaya pala super ang manas ko sa paa, kamay even sa mukha ko. I had to be admitted to the hospital after ko magpacheck up kay OB. BP ko that time was already 150/110! Akala ko normal lang yun manas ko, di pala, dahil sobrang taas na ng BP ko. Kaya mga mumshies, if napansin nio na nagmamanas kayo, consult your OB and monitor your BP.
Para mawala ang preeclampsia, need ko na ideliver si baby. She was delivered at exactly 36weeks. Praise God my baby is okay and she weighs 2.8kg. Everything is normal din. Nadischarge na din kami ng Sunday and as of now monitored ko pa din BP ko and may iniinom ako na maintenance para sa presyon so di muna ako makapagBF kay baby. Laking pasasalamat ko sa Diyos okay na kami ni baby. Praise God!
Salamat po sa pagbabasa ng aming story.
Marion Fernandez-Cano