Hilot
mga mumsh, nagpahilot din b kau noon?sabi kasi ng mother-in-law ko ipahilot ko daw tyan ko pra iayos..
sa 1st born ko d ako nagpahilot habang buntis. Una, d ko Alam Ang tungkol sa hilot habang buntis. Pangalawa, I think baka mas makasama pa. Kasi baka mas makaapekto pa sa mga ugat natin at daloy Ng dugo papunta Kay baby. Now that I'm preggy no plans pa Rin na magpahilot. lately lang, nakasakay ako sa jeep nakita nya na pregnant ako. Sabi noong matanda sa akin wag daw ako papahilot dahil d daw maganda effect sa anak nya at sa kanya. Let's always pray to have safe pregnancy and delivery.
Đọc thêmKahit ako sinabihan na magpahilot pag nasa 8mos na raw.. but di kasi ako tiwala sa manghihilot saka wala rin ako kilala o mapgkatiwalaan na ganyan ayuko naman mommy na mag 50/50 ako tas sa huli mag sisi natural naman po ikot yan si baby
hindi po advisable ng mga medical practitioners specially ob and midwives ang pagpapahilot sa kahit anong stage ng pregnancy. may tendency kase na mag hihiwalay ang placenta ng baby at yun yung cause na makukunan or early labor.
i wonder bakit di na allowed ang hilot eh dati naman puro hilot ang nagpapaanak..kami magkakapatid sa hilot kami lahat.. depende cguro sa hilot yan kung hindi talaga marunong yan cguro magkaka-complicate ung nasa loob..
Yan po pinag sisihan ko sana nagpahilot ako dati para umayos yung sipitsipitan ko, nainormal ko sana baby ko. kasi dati hilot lang di ba lahat sila nanormal nila, wala pang CS dati.
Marmi ngsabi wag mgpapahilot kpg buntis.. Kasi pwede makasama kay baby po.. If before mgbuntis like papataas ng matres aun pwede po pero once preggy n advisable wag mgpahilot.
sa ibang pamilya nagpapahilot po talaga like sa mga ilokano, dapat by 8months para po maiayos si baby. 😊 pero bihira na gawin un lalo kapag nasa city area ka na po.
Ako momsh hindi, kasi natakot din ako sa cases nung iba na hindi naging maganda ang result, isa pa wala din kaming kakilala na talagang magaling sa paghilot sa buntis
ako nagpahilot ksi suhi yung baby ko nkailang pahilot ako kaso nung nanganak ako kala ko normal na hindi pala umiikot. kaya kahit ayoko i cs emergency cs na
yes po nagpahilot ako buong katawan. sbi din kasi ni mama para maayos daw ung sa tiyan ko ganon din sa manghihilot okay naman at nakakarelax :)