LIP kong jobless 😢

Mga mumsh di ko na alam gagawin ko sa boyfriend kong ubod ng tamad. 1year na din syang walang work, Andaming hiring ngayon dalawa na ung nag offer sakanya pero parang wala talaga syang planong magbanat ng buto. Porket anjan tatay nya na sumasagot sa lahat ng bayarin. At pati ako na merong income kahit papano. Binenta ko kotse ko at namuhunan ako ng mga gluta at collagen, medyo matumal pa. Kaya minsan pag malapit lang pinapadeliver ko sa kanya. Aba nung pangatlong deliver nya biglang sumama loob at sabi nya wala naman daw syang napapala sa kaka deliver. Tangina sa sobrang puno ko sakanya nasabi ko na ata lahat ng masasakit na salita sakanya. Pabigat sa buhay, tamad, walang kwenta, walang silbi asa sa babae at sa tatay nya, un na nga lang gagawin nya nagrereklamo pa. nawala na talaga ung respeto ko sakanya. Pano ba naman, gawain nya lang gigising sa umaga, bibili lunch namin, after kumain, maglalaro na yan ng games sa ps4 nya at hihiga. Pati paghugas ng mga plato salitan padin kami. Ako pa lagi ung gumagawa ng diskarte para magkapera. Sasabihin nya wala syang napapala eh kada labas namin ako lahat nagbabayad. Ako nagbabayad ng parking, pinapagasan ko kotse nya paminsan minsan, eat out ako lahat. Nung una okay pa sakin eh, pero nung tumatagal para atang naging complacent na feeling nya kaya ko syang buhayin kaya di na sya naghahanap ng trabaho. Wala kaming anak pero bakit ganon, grabe sobrang tamad nya. Ang bigat bigat nya sobra. Mag 2yrs na kami. Magstay pa ba ko o bigyan ko pa sya ng chance na baka makahanap din sya ng work nya? Hays sorry sobrang haba. Naiistress na kasi ako, eto ba ung aasawahin ko??? 😭😭 Edit: depress po ung lip ko simula namatay mommy nya nung 2013.. hanggang ngayon out of nowhere bigla na lang sya magbabanggit ng gusto na daw nya mamatay. Sobrang mahal ko lip ko, gusto ko syang tulungan pero ayaw nya tulungan sarili nya.. hinihila nya ko pababa. Napapagod nadin ako 😢di ko naman sya maiwan at baka kung ano ang gawin. Di din nya kaya mawala ako. Last time na 2weeks kaming di nagusap pagkakita konsakanya ang haba na ng buhok at di na nagsheshave 😭Di ko kakayanin kung may mangyari sakanya 😔

60 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Luh..lumabas kana sa ganyang relationship habang pwede pa...maswerte ka pa hindi kapa nakatali sa kanya...(hindi pa kasal at wala pang anak)

Mahirap sis Kung ayaw mo rin tanggapin Kung ano tama, ma stuck ka sa gnyang situation hanggng lamunin k n lng at d kna tlaga makaka Alis.

Post reply image

grabe nmn depression yun Ang tagal and wala siyang ginawa to move forward? samahan mo siya pailalim kayong dalawa? goodluck sa buhay mo.

isauli nyo po sa parents nya yung LIP mo sis. so klan ka po magpapa tali sa ganyang klasing lalaki? ipray nyo po sya at ang self mo.

Thành viên VIP

Alam mo ang sagot diyan mommy. Kung di niya pa kaya magpakatatay, uwi muna siya sa kanila. Pag ready na siya balik na lang kamo.

Bakla, layasan mo na habang wala pa kayong anak. Wag mo na antayin magka-baby pa kayo. Dalawa pa bubuhayin mo pag nagkataon.

Swerte ka girl natuklasan mo ung ugali niya na hindi pa kayo kasal. Go go go ka na. Not worth staying yan

Nakakastress tlaga pag ganyang partner, imbis may katuwang ka, malulubog ka sa stress.

Hiwalayan na, Sis. Swerte mo nga wala kayong anak. You deserve better. Susme.

naku mahirap yan.. kung matatali kana sa kanya forever ng ganyan ugali