LIP kong jobless 😢

Mga mumsh di ko na alam gagawin ko sa boyfriend kong ubod ng tamad. 1year na din syang walang work, Andaming hiring ngayon dalawa na ung nag offer sakanya pero parang wala talaga syang planong magbanat ng buto. Porket anjan tatay nya na sumasagot sa lahat ng bayarin. At pati ako na merong income kahit papano. Binenta ko kotse ko at namuhunan ako ng mga gluta at collagen, medyo matumal pa. Kaya minsan pag malapit lang pinapadeliver ko sa kanya. Aba nung pangatlong deliver nya biglang sumama loob at sabi nya wala naman daw syang napapala sa kaka deliver. Tangina sa sobrang puno ko sakanya nasabi ko na ata lahat ng masasakit na salita sakanya. Pabigat sa buhay, tamad, walang kwenta, walang silbi asa sa babae at sa tatay nya, un na nga lang gagawin nya nagrereklamo pa. nawala na talaga ung respeto ko sakanya. Pano ba naman, gawain nya lang gigising sa umaga, bibili lunch namin, after kumain, maglalaro na yan ng games sa ps4 nya at hihiga. Pati paghugas ng mga plato salitan padin kami. Ako pa lagi ung gumagawa ng diskarte para magkapera. Sasabihin nya wala syang napapala eh kada labas namin ako lahat nagbabayad. Ako nagbabayad ng parking, pinapagasan ko kotse nya paminsan minsan, eat out ako lahat. Nung una okay pa sakin eh, pero nung tumatagal para atang naging complacent na feeling nya kaya ko syang buhayin kaya di na sya naghahanap ng trabaho. Wala kaming anak pero bakit ganon, grabe sobrang tamad nya. Ang bigat bigat nya sobra. Mag 2yrs na kami. Magstay pa ba ko o bigyan ko pa sya ng chance na baka makahanap din sya ng work nya? Hays sorry sobrang haba. Naiistress na kasi ako, eto ba ung aasawahin ko??? 😭😭 Edit: depress po ung lip ko simula namatay mommy nya nung 2013.. hanggang ngayon out of nowhere bigla na lang sya magbabanggit ng gusto na daw nya mamatay. Sobrang mahal ko lip ko, gusto ko syang tulungan pero ayaw nya tulungan sarili nya.. hinihila nya ko pababa. Napapagod nadin ako 😢di ko naman sya maiwan at baka kung ano ang gawin. Di din nya kaya mawala ako. Last time na 2weeks kaming di nagusap pagkakita konsakanya ang haba na ng buhok at di na nagsheshave 😭Di ko kakayanin kung may mangyari sakanya 😔

60 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Wla pa naman baby sis let go na sis. You deserve more sis. Kung sa 2 years nyo ganyan na tlaga sya medyo mahirap na ata na magbago pa. Pero kung lately lang sya ganyan baka may pinag dadaanan lang na kelangan mo intindihin. Pero kausapin mo sya sis na share mo yung feelings mo, lahat ng gusto mo sabihin at marealize nya after you talked to him.

Đọc thêm

dapat ngayon palang magisip ka na ng mabuti..Ang pagaasawa pagtatali na yan sa dalawang tao. kung ikaw ay nakatali na mahirapan ka na makawala. kaya ngayon pa lang habang hindi pa kayo tali magisip kang mabuti. Tandaan mo, ang lalake ang unang tibayan ng pamilya. kung yan ang lalake mapangasawa mo ayon sa kwento mo, sa palagay mo titibay kaya?

Đọc thêm

mahirap talaga iwan ang taong nakaranas ng depression. pero matagal ng namatay nanay nya... dapat nakakabangon na siya ngaun.. i suggest ipa check up mo siya sa psychiatrist para makatulong saknya.. maka cope xa sa loss ng nanay nya noon.. kase sa totoo lang ikaw ang mahihirapan pag nagasawa na kau wala kana kawala sa katamadan nya hehehe!!!

Đọc thêm

> wala kaming anak Girl, sa ugali nyang yan, parang sya ang anak mo 🥴 Mag-usap kayo nang masinsinan kung bakit sya nagkakaganyan. Iexplain mo yung side mo, bakit hindi ok na ganyan. Isipin mo rin maigi kung wala pa kayong anak at hindi kasal eh ganyan ka na nya tratuhin, ok lang ba sa'yo na ganyan ang kasama mo habambuhay? 😔

Đọc thêm

nku! pag nag ka anak k diyan sis.. pinish kna. umalis kna habang maaga. mag isip isip ka Pano pag d kna Pwede mag work at nabuntis ka? Pano kayo kakain.? Ngayon n inuutusan mo plang galit na. bka pag anak mo na Yan at nahirapan ikaw lahat! naku girl. malaking bato yang partner mo na ipupukpok mo sa ulo mo...Alis na!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Naku, layasan mo na, sis. Hindi ka naman nakatali sa kanya, ee. Wala kayong anak at hindi kayo kasal. Kung maghabol sya at ipakita sayong kaya nyang magbago para lang di ka mawala, then probably you can give him a second chance, pero for now, leave him na muna, you don't know what you may be missing out there 😉

Đọc thêm

ung ibang lalaki nga kahet construction, labor, extra. kahet ano pinatos na para may income. sipag lang talaga. iba te may pamilya lalo na ang may baby. babae ka magffocus ka kay baby sino magwwork ganyang lalake. luh, baka di lang away nyo mangyare pati natulong sainyo magsawa kase natanda di maalam kumilos.

Đọc thêm

Mag isip isip kana sis... Mahirap yung ganyan.. Dapat sya ang maging provider hindi ikaw.. Kung magpapakamatay yan dapat matagal na tinatakot ka lng nyan para di mo sya iiwan dahil alam nya mahal na mahal mo sya.. You Deserve better.. sis yung tamang guy na para talaga sayo.. Wag ka mag tiis..

exit kana. hintayin mo ang lalaking, kaya ka buhayin at mahalin at the same time. kahet anong pagmamahal kung tamad naman anong kakainin nyo. bbuhay sainyo lalo na pag nakapamilya kayo x 10 ang gastos non pag may baby na. may future na un aasikasuhin nyo di nalang ikaw o kayo.

what more he can give kung nakatali na kayo sa sat.isa.. dapat nagpapa.impress xa ng bonggang bongga... swerte mo at nakilala mo tunay na katauhan niya na hind pa kau kasal... baka sobra pa sa katayuan mo ngaun ang future mo.. kc magiging dependent na talaga xa.