LIP kong jobless 😢

Mga mumsh di ko na alam gagawin ko sa boyfriend kong ubod ng tamad. 1year na din syang walang work, Andaming hiring ngayon dalawa na ung nag offer sakanya pero parang wala talaga syang planong magbanat ng buto. Porket anjan tatay nya na sumasagot sa lahat ng bayarin. At pati ako na merong income kahit papano. Binenta ko kotse ko at namuhunan ako ng mga gluta at collagen, medyo matumal pa. Kaya minsan pag malapit lang pinapadeliver ko sa kanya. Aba nung pangatlong deliver nya biglang sumama loob at sabi nya wala naman daw syang napapala sa kaka deliver. Tangina sa sobrang puno ko sakanya nasabi ko na ata lahat ng masasakit na salita sakanya. Pabigat sa buhay, tamad, walang kwenta, walang silbi asa sa babae at sa tatay nya, un na nga lang gagawin nya nagrereklamo pa. nawala na talaga ung respeto ko sakanya. Pano ba naman, gawain nya lang gigising sa umaga, bibili lunch namin, after kumain, maglalaro na yan ng games sa ps4 nya at hihiga. Pati paghugas ng mga plato salitan padin kami. Ako pa lagi ung gumagawa ng diskarte para magkapera. Sasabihin nya wala syang napapala eh kada labas namin ako lahat nagbabayad. Ako nagbabayad ng parking, pinapagasan ko kotse nya paminsan minsan, eat out ako lahat. Nung una okay pa sakin eh, pero nung tumatagal para atang naging complacent na feeling nya kaya ko syang buhayin kaya di na sya naghahanap ng trabaho. Wala kaming anak pero bakit ganon, grabe sobrang tamad nya. Ang bigat bigat nya sobra. Mag 2yrs na kami. Magstay pa ba ko o bigyan ko pa sya ng chance na baka makahanap din sya ng work nya? Hays sorry sobrang haba. Naiistress na kasi ako, eto ba ung aasawahin ko??? 😭😭 Edit: depress po ung lip ko simula namatay mommy nya nung 2013.. hanggang ngayon out of nowhere bigla na lang sya magbabanggit ng gusto na daw nya mamatay. Sobrang mahal ko lip ko, gusto ko syang tulungan pero ayaw nya tulungan sarili nya.. hinihila nya ko pababa. Napapagod nadin ako 😢di ko naman sya maiwan at baka kung ano ang gawin. Di din nya kaya mawala ako. Last time na 2weeks kaming di nagusap pagkakita konsakanya ang haba na ng buhok at di na nagsheshave 😭Di ko kakayanin kung may mangyari sakanya 😔

60 Các câu trả lời

iwan mo na, mag kaiba ang depress sa manipulative na tao. Wag mong sayangin ang mga susunod mo pang taon. Iahon mo na sarili mo habang wala pa kayong anak. Mas mahirap kapag may anak na kayo, baka ikaw naman ang madepress niyan.

Na spoiled.. Sorry momsh pero kung ako yan iiwan q na yan, wala kang future jan momsh kawawa lng kayo pag nagkaanak pa kayo.. Since wala pa naman kayo pananagutan sa isat isa wala kayo anak at d kayo kasal iwan mo na. Madami pa jan iba momsh.

live life. congrats wala pa anak. mkakatakas ka pa sa kalbaryo mo. give space to.both of you. kapag magkasama kayo ulit, pagisipan mo mabuti. muka naman lab na lab mo e. pero yung nakilala mo sya. sana mabago mo. all the best sis!

VIP Member

Hubby kon1yr nandin wlang work ako nakang mag work namiss kondin mag work sha nalang muna sa bahay masipag naman sha sa bahay at mag alaga ng anak namin kaya sguro change position nalang give and take nalang sguronpara wlang away

I believe you deserve someone who will treat you right. Binigyan mo naman ng chance pero wala nagbago. Hindi worth ng time na pag-aksayahan ng panahon. Huwag mo na hintayin na magkababy pa kayo, lalo ka mahihirapan.

Para kng kumuha ng bato at pinukpok mo sa ulo mo. Pag unhealthy at walang progres na ang relasyon nyo, iwan mo na. Sakit lng yan sa ulo. Ang pakikipagrelasyon ay partnership. hindi dapat isang tao lng ang nagbbgay

ganyan din ex bf ko sis umabot din kameng 3years kaso nakikita kong wala talaga akong future sakanyan ayun nag desisyun ako para sa pansarili ko eto ok na ok ngayun yung binigay ng diyos walang sakit sa ulo🥰

nagka ex dn ako ng gnyan, wala akong napalang pagbabago. kung nag stay ako, hndi gumanda buhay ko. mg decide k mbuti. puso or sarili mo. sabi nga ng madami, hndi k mpapakain ng pagmamahal.

Sis sabi nga "you deserve what you tolerate" una palang naman makikita mo na ugali nya ehh.. don't say na okey lang kase simula pa lang kayo, what if tumagal kagaya ngayon? diba

Ilang taon na ba kayo may I ask? Coz you both doesnt seem matured enough. That feeling of love will fade eventually, move on. His misery is not your misery wake yourself up.

28 po ako, sya 29

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan