LIP kong jobless 😢

Mga mumsh di ko na alam gagawin ko sa boyfriend kong ubod ng tamad. 1year na din syang walang work, Andaming hiring ngayon dalawa na ung nag offer sakanya pero parang wala talaga syang planong magbanat ng buto. Porket anjan tatay nya na sumasagot sa lahat ng bayarin. At pati ako na merong income kahit papano. Binenta ko kotse ko at namuhunan ako ng mga gluta at collagen, medyo matumal pa. Kaya minsan pag malapit lang pinapadeliver ko sa kanya. Aba nung pangatlong deliver nya biglang sumama loob at sabi nya wala naman daw syang napapala sa kaka deliver. Tangina sa sobrang puno ko sakanya nasabi ko na ata lahat ng masasakit na salita sakanya. Pabigat sa buhay, tamad, walang kwenta, walang silbi asa sa babae at sa tatay nya, un na nga lang gagawin nya nagrereklamo pa. nawala na talaga ung respeto ko sakanya. Pano ba naman, gawain nya lang gigising sa umaga, bibili lunch namin, after kumain, maglalaro na yan ng games sa ps4 nya at hihiga. Pati paghugas ng mga plato salitan padin kami. Ako pa lagi ung gumagawa ng diskarte para magkapera. Sasabihin nya wala syang napapala eh kada labas namin ako lahat nagbabayad. Ako nagbabayad ng parking, pinapagasan ko kotse nya paminsan minsan, eat out ako lahat. Nung una okay pa sakin eh, pero nung tumatagal para atang naging complacent na feeling nya kaya ko syang buhayin kaya di na sya naghahanap ng trabaho. Wala kaming anak pero bakit ganon, grabe sobrang tamad nya. Ang bigat bigat nya sobra. Mag 2yrs na kami. Magstay pa ba ko o bigyan ko pa sya ng chance na baka makahanap din sya ng work nya? Hays sorry sobrang haba. Naiistress na kasi ako, eto ba ung aasawahin ko??? 😭😭 Edit: depress po ung lip ko simula namatay mommy nya nung 2013.. hanggang ngayon out of nowhere bigla na lang sya magbabanggit ng gusto na daw nya mamatay. Sobrang mahal ko lip ko, gusto ko syang tulungan pero ayaw nya tulungan sarili nya.. hinihila nya ko pababa. Napapagod nadin ako 😢di ko naman sya maiwan at baka kung ano ang gawin. Di din nya kaya mawala ako. Last time na 2weeks kaming di nagusap pagkakita konsakanya ang haba na ng buhok at di na nagsheshave 😭Di ko kakayanin kung may mangyari sakanya 😔

60 Các câu trả lời

Minsan yung pagmamahal hindi yunnsapat eh, ganyan din LIP ko nung una buti kayo walang anak kami meron kaya kahit gusto ko na talaga makipag hiwalay nun iniisip ko yung anak ko. Eventually nagkaroon sya ng pangarap para sa amin at ngayon okay na, ilang beses ko ding nilayasan bago sya natauhan. Sa kwento mo po nagiging toxic na relasyon nyo, kaw lang po magiging kawawa sa bandang huli. Wala pa kayong anak pero ganyan na sya, pano pag may sarili napo kayong pamilya? Pero nasa sa iyo pa din po yan, kung talagang mahal ka nya gagawin nya lahat para di ka mahirapan. Tulungan lang po sa buhay

VIP Member

give yourself time sis both of you. Give him space na na realize niya yung mali niya . Mahirap na magkaanak kayo tas hindi ka na makawala sa kanya. that's my story between my parents yung tatay ko since nakasal sila ni nanay nih minsan d siya nag banat ng buto or maghanap nang pera. Pabigat sia sa buhay namin. Until now na magkaka app na siya wala sarili niya pa rn iniisip niya nakakasama nang loob wala siyang paki. isipin mo magiging anak niyo balang araw kung gusto mong mag katatay sila ng batugan. Mag suffer ang mga bata pati ikaw. .

VIP Member

Nasa toxic relationship ka sis. Toxic bf mo. Ang healthy relationship dapat naghihilahan pataas. Ang bf mo may issues siya sa sarili niya based na din sa kwento mo at may emotional baggage siya at ikaw ang pumapasan sa bigat na yun. You cannot fix a person na hindi naman willing ayusin sarili niya. But before you make any decision kausapin mo muna siya tungkol sa nararamdaman mo. Kung after mo siyang kausapin wala pa din pagbabago sa kanya then leave. Red flag na yan mga pinapakita niya. Mas mahihirapan ka nyan pag magkakaanak kayo.

Hi! Ganyan dn ako sa ex ko dati. Pero 9 years ko yun tiniis. Sa 9 years namin ako lahat gumagastos, pagkain, mga luho nya etc. Me work sya pero ginagastos nya lahat para sa sarili nya. Sa 9 years sguro mga 5 times nya lang ako nalibre haha. Ayun puro dn sya ps4 at laro. Kaya nung magloko sya ng isang beses, iniwanan ko agad. Ngayon super happy nako, tinatrato ng tama at malapit ng ikasal. Yung ex ko hanggang ngayon di maka move on at nagsisisi. Kaya habang maaga pa, let go na kung alam mong sobra na. Don't settle for less. 😉

Wala pa kayong anak ganyan kana ka stress sa ngayon nakakaya pa ng income mo dahil dalawa palang kayo pano pag nagka baby kayo baka pati ikaw ma depressed na sa dami ng gastusin at kailangan gawin dahil nga, ultimo pag hugas ng plato ikaw pa may business ka pero di ka matulungan manlang kahit sa deliver. Hindi pwedeng habang buhay idadahilan yung na dedepress sya unless na diagnosed talaga sya na may ganong sakit kasi hindi naman din biro yung ganon, kaso sa sitwasyon nyo magugulat kanalang ubos na ubos kanadin.

In a relationship it should be give and take, di pwedi give ng give ka nalang. mauubos ka niyan. Hirap pag ikaw nalang palagi umiintindi , dapat you help him to be independent and to realized your worth. Ikaw bah kaya mo bang tiisin na ganyan nalang situation niyo habang buhay? Give him conditions that if he really loves you he should also think of your happiness . Dapat pag usapan niyo yan, ang pagkukulang sa bawat isa. God bless in your journey. nasa sayo parin ang decission, pray for the best decission.

gnito ngyari sakin sa ex ko. pinapaikot Niya ko para wag siyang iwan, mababaliw daw and mag papakamatay hirap na hirap na daw sya, Kaso ikaw? Pano ka? masaya ka ba?.. you did your part isa sa management ng may sakit mentally ay wag silang I baby, d yan rason na namatayan ka para hilahin mo rin ibang Tao pababa, alam mo lahat Tayo namamatayan, hindi lang sya, hindi yan babangon pag sinanay niyo n sinusubo lahat sa knya. ikaw din kawawa.. di ka pa kasal kumuha kna agad ng Pwd. kawawa ka nman

buhay parin ex ko like you hahahaha galit na galit siya sakin Kasi iniwan ko siya, d ko na rin kinaya, tagal ko rin gumawa ng excuses for other people and myself para d ko iwan ska maintindhan ako Ng ibang Tao kahit alam ko na mali na. hahaha baliw lang, duwag lng talaga ko nun, napagod din ako, nasasayang oras ko eh, aba minsan lng ako bata, sasayangin ko pa ba.. true depression is not a joke, pero lhat nmn ginawa mo para tulungan siya, wala k rin magagawa Kung ayaw tulungan sarili Niya, life must go on.

Ganyan din LIP ko noong una, as in ako lahat. Asa sya sa magulang nya porket meron. Nasabi ko na lahat sa kanya pero parang wala talaga syang pake, sabi ko sa sarili ko, bat pa ako mag papakahirap sa tabi nya kung kaya ko naman mag isa. Mabuti na 'yong nalaman mo na ganyan sya habang maaga pa, kesa naman kasal na kayo tas mas malala pa jan ipapakita nya sayo. Exit na tayo sis, wag na mag stay, trauma lang aabutin natin sa ganyan. Be safe. 😊

momy, he has to move on and change. Buti wala pa kayong anak at di kayo kasal. Wag ka na umasa sa ganyang lalaki. If 1 year na at di pa rin nakahanap ng work, iwanan mo na muna. If mahal ka talaga nyan, magsisikap yan. Ginagawa ka lang ata sugar momy nyan. Sorry ah pero walang kwenta pagmamahal na yan kung magugutom ka naman 🤷‍♀️ sa panahon ngayon, panalo ang praktikal.

hanap ka na ng iba momsh. wag mo isipin na baka pag magkaron kau ng baby magbabago sya, NO. kung ngayon pa lang ganyan na sya better find someone else who's better than him. Ung alam ang salitang MAKIRAMDAM. wag ka manghinayang sa 2yrs kasi ung iba 8yrs nga hindi naman talaga naging sila. so hanggat maaga pa girl isip muna ang pairalin. Tyaka na ang puso. 🙂

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan