Hi mga mumsh! Baka po kasi mag-nightshift na ako next month. Ask ko lang po kung sino dito ang kaparehas kong WFH pero nightshift? Pure breastfeed si baby, 10 months old na sya. Triny ko sya i-formula dati kaso nagka-allergy sya kaya di na ako bumili ulit ng formula. Sakto lang din yung milk ko kasi hindi ako gaanong nakaka-pump ng marami.
Nagwoworry yung mom ko baka daw hindi ako makatulog sa umaga o kaya mapuyat si baby sa gabi.
Ano pong advice or technique nyo para hindi kami mapuyat ni baby?
#advicepls #workingMom #workfromhome #padedemom#1stimemom