52 Các câu trả lời

Ganito cguro yong nangyari sa baby ko. Sabi ng kapatid ko na kasama ko sa delivery room. May bukol din daw kaya takot na takot siya ng makita. Pero nawala din naman kasi ng nilagay siya sa akin wala naman. Sabi ng pedia nya din normal daw yon lalo na pag natagalan sa paglabas. 2 hrs din kasi ako nag pushed kasi hindi ako marunong. Kitang-kita na nila yong ulo pero hindi ko pa rin siya mailabas. Buti nalang pala sa baby ko hindi nagtagal.

Nawala ba yung bukol sa ulo ng lo mo? Ilang weeks po bago nawala?

Hello Mommy, ganyan din c baby ko.. 11 hours ako nag labor, sa cs din ang ending kc mutiple cord coils. Feeling ko, hindi ako umiire pero paglabas nya, parang pyramid nakapatong sa ulo... worried ako masxado but my ob assured me na mawawala ang bukol..I'm thankful after two days..normal na tingnan ang ulo niya...nakakatakot.. pero extra care lng po talaga ky baby.. you are in my prayer..hope your baby will be okay soon.😊

Thank you po mga mommies.eto na po siya ngayon okay na okay na wala na po ang hematoma.

paanong massage gnyan din bby ko 😔

Hilotin niyo lng po ulo na na pabilog sa madaling araw. Tapos bumili kayo nung unan na may butas sa gitna. Nakalimutan ko tawag dun. Baka pp makatulong yun. Baby ko mahaba ulo nung pinanganak ko. Tunwimg madalingvaraw hinihilot ko na pabilog at may unan siya na may butas bigay sakin. Ayun awa ng diyos okay na po ulo ni baby. Mag 3months na siya ngayon.

ganyan din second baby ko. paglabas na paglabas nya ang taas ng ulo ang ginawa ng byenan ko nilagyan nya ng unan sa itaas ng bahagi ng ulo parang kinumpress nya bumalik naman sa dati yung ulo ng anak ko ndi na sxa mahaba.. cguro kung nakompress yan sa paglabas na paglabas pa lng magiging okay c baby.. malambot pa kc yung skin nila and elastic..

Yung baby ko po may bukol din po sa ulo nung pinanganak ko po siya may bukol po na malambot medyo malaki po sa side din po ng ulo Niya ilang months po ba sainyo bago bumalik sa normal sana po masagot nyo ako mam nagwoworry po Kasi ako bale 2weeks old na po siya ngaun

ung sa baby ko mag 3 months na meron pa din matigas na.. sabi ng pedia mawawala din daw matagal lng daw sa baby ko..

Hello momshie Kaka panganak ko lang nung Saturday mga moms may ganyan din ung baby ko may bukol naawa na talaga ako sa baby any tips anong gawin sa bukol ni baby 2 weeks na ngayon ang baby ko may bukol at staka malambot kapag hinawakan

Saken din nagkaganyan baby ko. Sabi ng mama ko, pagkabigay sakanya ng nurse, mahaba daw ulo ni baby. Di ko nakita since nakahiga lang ako. Tinabi lang sakin ni mama naka sumbrero na si baby, pero kinabukasan nawala din naman.

Yes po before nag 1mo si LO ko nawala ren.

Ako din po sa 2nd baby ko pero overnight lang hinilot po namin agad kasi ang tagal niya lumabas mas cone head pa nga po siya sa baby niyo pero hinilot lang po kinabukas ok na po pero with care po dapat

VIP Member

Mawawala rin yan ma'am. Pray lang po tayo and extra cautious lang po kapag hinahawakan lang si baby. And wag po i place ang head ni baby ng paulit2 sa same position nya po para iwas ma press ng todo.

Yung sa lo ko hindi po nawala yung bukol nya. Nagharden na sya kaya hindi pantay yung ulo nya. Sana mawala na talaga to para normal na yung ulo nya. 1 month and 9days na sya ngayon.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan