Help po please :(

Hi mga momshies,may tanong lang po ako.kasi po after maideliver ni misis si baby,nagbago na po sya sakin.lagi nalang po sya galit sakin(kulang nalang sigawan nya ako).wala naman po ako ginagawa na ikakainis nya sakin.madalas ipinapakita na nya sakin na parang hindi na nya ako mahal o kailangan sa buhay nilang mag-ina.mahal na mahal ko ang asawa at anak ko.sana po mga momshies maenlighten nyo po ako...first time parents din po kami.maraming salamat po

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

As a parent of 2, madalas ganiyan po ang nangyayari after child birth. Hindi po lahat nakakaranas pero karamihan, yes. Lalo na sa mga first time mom. Pagod, puyat, sakit ng katawan, walang time sa sarili, low self esteem - Yan po kadalasan ang nararanasan ng mga nanay kaya mabilis kaming mainis. My best advice is, support her, help her, make her feel pretty and loved. Kapag kaya naman kuhanin mo yung bata para makapag pahinga siya, tulungan mo siya sa gawaing bahay kahit simpleng pag wawalis, pag luluto o pag huhugas ng bote ng bata. Alam niyo, yung maliliit na bagay para sainyo, malaking bagay na po iyon para samin. Yung nararamdaman namin na andiyan kayo para tumulong saamin, malaking bagay na po iyon. Huwag niyong iisipin na porket kayo ang nag tatrabaho at nag pprovide ay okay na yon, tulungan din ninyo ang asawa ninyo sa mga gawaing bahay kahit papano. Kasi kayo may day off sa trabaho, pero kaming mga nanay wala, 24/7 po kaming nag aalaga at nag aasikaso hindi lang sa mga bata kundi pati na din sainyong mga asawa namin. Pag nakita ng wife ninyo, at naramadaman niya na gusto niyong tulungan siya, unti unti po babalik siya sa dati. ☺️

Đọc thêm

Mabuti at concern ka sa nangyayari sa inyo. Baka may postpartum depression ang asawa mo. Marami ang nagkakaganyan. Intindihin mo na lang at huwag sukoan. Ipa feel mo sa kanya na mahalaga sya at mahal mo sya. Ako, nagka postpartum depression ako na nauwi sa depression and anxiety (with symptoms na hindi makahinga - 4 times na dala sa emergency sa hospital) kasi feeling ko walang pakialam ang asawa ko sa akin. Yong feeling na gusto ko lang lambingin at i take care din sana ako, but he's too insensitive at mas magagalit pa. Umabot 4 years ang anxiety and depression ko, and now I'm managing. But marami ng resentment na ipon sa puso ko kasi parang wala talaga akong effort na nakikita sa kanya na ibalik ang sweetness ng relasyon namin. Focus na lang ako sa work at sa anak ko. Basta huwag ka lang po mapagod magmahal sa kanya. Yan ang number need ng asawa mo para ma overcome niya ang depression. FYI hindi lang involving sadness ang depression but also high irritability and anger.

Đọc thêm
1y trước

same tayo mie :( 3yo na anak namin, sa loob ng 4 taon 4x pa lang kmi nag make love at napaka tuyot pa jusko.. tinitiis ko na lang, prang di sya nag eeffort i pleasure ako. basta pinapalamon nya kmi okay na

Thành viên VIP

Malaki din pasasalamat ko sa hubby ko kasi since unang araw ng pregnancy ko, inaaway ko cya. D ko alam na preggy ako. Ramdam ko na parang may pagsisisi na pinakasalan ko cya. Pero, supportive parin cya at d nya ako pinapatulan. Until un buntis na pala ako. Lumala ang depression ko. Sinisi ko sa kanya lahat. Hinamon ko na rin ng hiwalayan kasi feeling ko mag isa lang ako sa mundo. D nya ako pinabayaan. Minahal pa nya ako lalo. Nung manganak me, lumala pa ako, ipinaramdam nya sa lahat ng kanyang makakaya na mahal nya ako, na anjan lang cya para sa amin. Na kami ang priority nya. Now, 2 months na kami ni baby.. ok naman na ako. Hehe. Nalampasan ko ung worst ko sa tulong parin ni hubby.

Đọc thêm

maybe ur not helping her enough sa gawaing bahay, maybe di ka na affectionate at vocal sa admiration mo sa kanya dahil sa body changes nya? ako aminado ako laging galit sa lip ko, kasi ganyan sya sakin. wala kmi communication, pag nag oopen up ako sa knya about sa struggles ko, iniinvalidate nya feelings ko. nag sawa na ko mag open up sa knya, kaya kahit napaka responsable nya dahil nabibigay nya needs/wants namin, madalas pa rin ako galit sa kanya, at parang na out of love na ko. casual na lng ako sa kanya, kausapin ko lang sya pag kay itatanong, ganun din sya sakin. naaawa lng ako sa anak namin dahil ayoko maging broken fam, kaya nakikisama pa rin ako hanggang ngayon.

Đọc thêm

She's undergone so many changes in herself. Its an emotional roller coaster for a first time mom. Physically ang daming changes, plus the fact na she has a child to feed and look after to, 24/7. Pagod, puyat. Di ganun kadali makaadjust. Try to understand her more and be supportive and be there for her even when she's not saying she needs you.

Đọc thêm

Ganyan din feeling ko sa tatay ng anak ko. Nung buntis ako lagi ko siya niyayakap at kinikiss. After ko manganak, ayoko na siyang nag stay dito sa bahay. Naiinis ako sa kanya palagi. For me, part lang yan ng postpartum journey naming mga bagong panganak. Lambing-lambingin mo lang, boss. Huwaiting.

5y trước

Lutuan mo siya ganun, patawanin mo, kwenruhan mo. Ganun ginagawa ng partner ko eh. She'll come around. Tyagain mo lang.

Thành viên VIP

Normal lang po un lalo na po sa mga bagong anak. Huwag no po siyang sukuan at patulan ung galit I inis po niya. At this moment po need niya ang pag iintindi at pag aalaga mo po. Iparamdam mo po sa kanya kung gaano mo po siya kamahal... Stay strong po and always pray to God for guidance.

instead mainis try to understand her.. support nio po sya, help mo.mag alaga ke baby pg wla ka gngwa at tell her she's beautiful kasi yan ang isa s nfefeel nmin pg bgong pnganak na prng npkpanget nmin losyang n kmi gnon po. let her feel na she's still lovable.

Thành viên VIP

baka po may PPD si mommy. Pagpatuloy nyo lang po sya alagaan mahalin at habaan pa lalo ang pasensya. Kaumstahin nyo din po kung ano nararamdaman nya. Tsaka po sa mga little things tulungan nyo po sya lalo po sa gabi para makapahinga din sya

habaan mo pa pasensiya mo kuya, hindi pa totally bumabalik sa normal ang hormones ni misis. maaring baby blues lang yan, maaring post partum depression. wag mo siya susukuan, lilipas din yan. tiwala lang.