nagbago

Sino dito nag live in muna bago pakasal? Ano nagbago sa samahan nyo? Kasi ako halata ko nagbago hubby ko nung live in kami masaya kami nakabukod malayo sa bawat family pero legal po pagsasama namin halos kasi ako lumaki ako sa palengke bata palang nagtitinda na ganun din sya kaya siguro nagkasundo kami independent kami pareho nagkakasundo kami sa lahat kung meron man hindi napag uusapan pero nung kinasal kami at nagka anak nagdecide sya na dito muna kami sa parents nya kahit alam nyang ayaw sakin ng family nya lalo na ng mother nya pero pumayag ako dahil ayaw ko na pag awayan namin yun pero hirap na hirap na po ako mga sis palagi nalang pinamumukha sakin ng family nya na basura lang ako gumanda kasi buhay nila umabot na sa point na harapan nilang sinabi na maghiwalay na kami mag asawa..pero walang ginagawa asawa ko alam kasi nila wala akong pupuntahan mga kapatid ko lahat may asawa na wala rin naman sila ako hindi makapag trabaho dahil baby ko ayaw sumama sa kanila saka wala din po mag aalaga paano kami mabubuhay kung aalis kami dito nag try kami na makitira sa isa kong kapatid pero wala din anak ko lang nahihirapan.. Hindi ko na po alam gagawin ko kung nakita ko lang nuon pa na magiging ganito buhay ko sana pala tinuruan ko nalang sarili ko na mahalin yung taong alam kong mahal na mahal ako at sure pa kinabukan ko lalo na magiging anak ko pero dahil sa katangahan nabulag sa pag ibig eto ko ngayon kulang nalang lumuhod sa asawa ko na bumukod kami tutal kaya naman na hindi naman po ako humihiling sa kanya ng marangyang buhay ang sakin lang po malayo kami dito kahit simple lang basta masaya kami..

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

live in muna kami for 8years bago ikasal then 2017 lang kami nag civil wedding. dami talaga kailangan pagdaanan problema at pagsubok gawin mo na lang po ipagdasal yung pamilya nyo po.ganun po ginawa ko kc konting kibot away kami nagtatalo.ngayon parang wala lang pag nag away bati ndin agad.

Bumukid kana moms kung mahal ka ng asawa mo susunod yan sayo. Hirap ng ganyan na araw araw mabigat ang loob mo dahil sa pakikitungo ng pamilya niya.. Kaya huwag mona patagalin magdecesion kana at bumukod na kayo kahit mangupahan kayo ng kwarto lang ang importante malayo ka sa pamilya niya.

Thành viên VIP

Mahirap po kasi pag walang sariling pera ang babae, hindi mo magagawa ang gusto mo. Ang mapapayo ko lng po mag work ka din iwan mupo muna anak mo sa lola nya. Para alagaan. Para mag karoon ka ng sariling pera para if me gusto kang gawin katulad ng pag bukod magagawa mo.

Thành viên VIP

Bumukod ka na sis gawa ka po ng paraan para makapag hanapbuhay ka at mabuhay mo po mga anak mo kung ayaw po makinig sau ng asawa mo. Pero try mo po muna sya ulit kausapin na bumukod na kau at sbhan mo po na kung ayaw nya ikaw na lng bubukod baka sakaling pumayag po sya.

Kaya ako hnd naniniwala sa kasal eh. Mas ok pa live in 😅 isipin m kme ng partner ko 7 yrs na magksama nakabukod kme mula nabuntis ako pero masaya pdn kme mhrap pero nkkakaya. Kung nagpakasal cgro agad kme at nkisama sa kamaganak mas magulo cgro ngayon..

5y trước

Yes, ang importante pa rin ay masaya ang pagsasama at nagkakasundo. Saka na yung kasal na yan, kahit naman senior citizen na kayo magpakasal kung kayo talaga kayo tlaga. Atlis masaya at alam mo mismo na kayo talaga.

Manindigan ka dun sa alam mong tama.. Dahil kung wala kang gagawin paulit ulit lng yan or worst mauuwi sa broken family.. Humingi ng ng strength, guide, knowledge and wisdom kay God.

5y trước

I mean manindigan ka.. If mali sya huwag mo itolerate dhil uulit ulitin lng yan.. Tska hindi dhil ngpakasal kau kaya nagbago pagsasama niyo, sad but true malaki influence ng family.. Kapag mag-asawa n kasi dapat kau lng dlawa ang magkakampi at nag aayos ng problem niyo. Yes, need niyo ng payo ng mas mtanda or parent niyo but remember na beware of what you feed on your mind.. Pick niyo lng yung payo na makakatulong sa inyo.. Also remember na khit na madalas mangialam ang mga biyenan, you still need to respect them. Hindi nman sila perfect, khit ikaw hindi mo alam kung kaya itrato ng pareho ang anak mo at magiging asawa niya soon.. Tska at the end of the day, kung strong tlga yung communication niyo mag asawa -kayo parin ang magkakampi sa huli.. Lalo pa at kasal kayo

Thành viên VIP

Mag usap po kau.. Mas maganda talaga bumukod kung ayaw nya ibg sabhin dpa nya kaya mag settle down

Live in kmi for 1 year tpos civil wedding. Mas naging natatag ung pagsasama namin

Kausapin mo Yung asawa mo. Kulang kayo SA communication

Thành viên VIP

Same situation tayo te mama's boy kasi asawako