27 Các câu trả lời
Nagpunta na po ako sa iba't ibang OB, actually po pang 3d opinion na ito, una po sa private then ang sabi po i ccs daw po ako, pero hindi sure kung anong mangyayari sa bata lalo maliit, then pumunta na po kami sa malaking hospital, hanggang sa dalawang doktor na ang tumingin sakin at inultrasound na naman ako in the 5th time, may mali daw talaga sabi nung nag ultrasound sakin, wala daw po dapat kung ano doon sa ibabaw ng tiyan nung baby ko, kaya daw po hindi tugma at hindi nalaki tiyan ko kahit 7 months na kasi hindi daw po normal ang bata, hindi ko na po alam ang gagawin ko, yung ama naman po ng bata hindi ko rin makausap ng maayos at madalang lang makapag online kasi sira ang phone nya kaya nakiki online lang sya, ano po ba ang maipapayo nyo sakin, sana makatulong po sa aking pag iisip...
Pray lang po, mommy. Magpasecond opinion po kayo sa ibang ObGyne preferably po sa malaking hosp na po kasi maselan po yunh case niyo. May nabasa po kasi ako dati sa forum na nakalabas din daw yung bituka ng baby tapos pagkapanganak diretso na daw po ng operating room. So parang may team of pedia surgeon talaga na nakaantabay. Nakasurvive naman si baby. Find a good hospital and obgyne na makakatugon sa needs mo and ni baby. Be strong! Praying for you and your baby 🙏🙏🙏
😞 punta k PO sa malaking hospital sis na pang bata after Mo manganak, kausapin mo n OB mo San Mo gusto ipatransfer si baby Kung kaya ni baby n ibyahe siya.. Ang alam ko Po tatahiin Po ung balat at ipapasok ung bituka ng Bata.. medyo mababa survival rate ng gnung case ska medyo may kamahalan.. Kaya advise ko Po Kung kulang sa budget sa govt. Hospital mo siya agad dalin pag kapangank mo..
Sa philippine children medical center ka pumunta sis yan ang ospital ng mga bata
Magpa second opinion kayo momsh and better kung sa malaking hospital.. hindi po ba kayo nagpa CAS? sa CAS kasi nadedetect as early as 24weeks kung may abnormalities kay baby.. pray din po and be strong momsh.. praying for you and your little one..❤
Hi sis mag p 2nd option ka ganyan din sabi ng o.b ko private sabi nya my previa daw ako tapos ewab parang tinatakot ako . Pero nag pa 2nd option ako wla naman pala ako previa kakainis lang pag tuwing papa ultrasound ako parang d nya mismo binabasa .
Halaaa! Pray lang hays yan lang yung maibibigay namin and fighting kang po dat magingvstrong ka para kay baby! Magiging okay kayo ni baby AMEN! 😊 Wag masyadong mastress mamsh. Malulungkot si baby
Magpa 2nd opinion ka mommy .. tapos sabayan mo ng dasal at kausapin si baby na magpalakas sya ... lakasan mo lng ang pananampalataya mo mommy walang impossible kay Lord ...
Praying for you mommu and your baby. Be strong lang po. Wag po masyado magpakastress baka maapektuhan si baby. Be positive and put all your worries to God. :)
Mag usap kayo ni daddy / partner mu, pray for guidance din... you have to decide what is best not only para sa inyo pero para sa bata 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Paano po gagawin nila nyan ndi ba delikado kay baby yun? Try mo kaya hingi ng second option.. Pray for your baby keep safe po🙏🏻🙏🏻🙏🏻
メリーアン ガミリア