Hi mga momshies. Napag isipan ko po kasi na pwede bang icupfeed si baby kahit formula milk? Mag tethree months na siya pagbumalik na ako ng work kaso hindi ako nakapag ipon ng stash dahil hindi enough yung breastmilk ko. Kahit anong pump ko buong araw hanggang 3oz lang talaga. Maniwala kayo't sa hindi, promise, sobrang konti lang makukuha ko kahit unlilatch na si baby sa akin buong araw hanggang gabe. Hindi rin ako nilelet down, hindi tumitigas ang breast ko. Kumakain na ako ng shells, masabaw na ulam, m2 malunggay, malunggay capsules, oatmeal na my chia seeds at unlilatch, lahat na lang ata na makapag padami ng bm wala talaga. Kaya, yung tanong ko po, pwede bang icupfeed si baby ng formula milk para lang hindi siya mag nipple confusion at magdede pa rin siya sa akin kung gabe? Salamat po.