Flat head ask help
Hello mga momshies! Im a first time Mom. Flat head po c baby since pinanganak sya, help po pano bumilog? 2 months old po sya. 😔
yung sa baby ko conehead po siya pero di kagaya niyan na sobrang na flat at matulis. hindi ko po sya inuunan ng mataas yung damit po gamit ko tinupi ko lang pahaba tas sapinan yun lang. hindi na po gaano nag poporma na po sya nabilog na habang palaki sya ng palaki nag aadjust din ulo nya turning 5mos na sya now and okay na konte. sana maging okay na din si baby mo wagka masyado worry, saka every morning hipuin mo yung massage ganon gawin mo.
Đọc thêmTry mo po hilutin lagi ang ulo ng pabilog. Malambot pa naman ang ulo kaya kaya pa nyan bumilog. Araw araw po or kung wala ka ginagawa, nag papadede, massage mo po. Bibilog din po yan Ganyan ulo ng panganay ko dati. Bumilog naman. 😊
ganyan din baby ko mommy nun pinanganak ko .. wag ka gumamit ng unan bumilog ka ng damit tapos dun mu siya ihiga yun ulo tapos dapat nakatihaya lang .. dpat nun newborn pa siya mommy sobra pa kasi lambot yun ulo niya nun ..
Sa case po ni baby hindi ko ginamitan ng unan. Dahil nakakagalaw galaw naman ulo nya. Pag may preferred side sya noon, iniikot ko lang pag matagal na sya sa isang side. Mas bumilog po nung nakakadapa na sya.
kapag papaliguan mo siya momshie hilutin mo ulo nya pabilog habng shinashampoo mo siya at wag mo siya hahayaan sa iisang posisyon lng siya habng nattulog ibaling mo rin sa kabila para mag pntay.
lagyan mo mommy ng hat saka light press o diinan ng light lang yung head ng baby ganyan din yung niece ko yan yung mga pinapasunod sa ate ko para bumilog head ng baby niya.
hello po advice ni pedia may doughnut pillow na nabibili saka massage po. tummy time din para di magflat head syndrom si baby. yan po sabi pedia sakin
hi mommy. turo ng matatanda sa akin. every hour iibahin ang position ng baby sa pag tulog. itatagilid sya. tpos ung unan na butas sa gitna
Hello po. Wag niyo pong unanan. At paharapin niyo po left and right para walang pressure sa liko ng ulo niya.
Hello po kamusta na po baby nyo? Umokay na po ba sya?