what to do para di mamuyat si bunso?

hi mga momshies! i have 2 kids, si bunso is 3 months na at namumuyat na siya. prob. ko maaga pa pasok ko sa office. ? 1 week na ako wala maayos na tulog at pahinga. aga alis sa bahay, gabi na nakakauwi. pag uwi ko asikaso pa ako sa kailangan ng magkapatid. Then ayan na, si bunso kung kailan tulugan na, siya namang gising. Hindi naman ako makaidlip kasi gising siya. Pwede ko na ba kontrolin ung tulog niya? Sa kuya niya kasi stay at home mom ako kaya mamuyat man ayos lang kasi nakakatulog naman ako sa maghapon, sumasabay ako non sa kanya pag tulog. Eh kay bunso, work na ako. Di naman pwede matulog sa office. Pag break time kasi maingay mga ka office ko dahil malapit ako sa pantry. Napakabilis ng 1 hour break. Pero pag di kaya, power nap talaga ako. Iba pa din tulog sa madaling araw. Any suggestion? Dim light naman kami kasi ung panganay ko pag bukas ilaw, hirap din patulugin.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi mommy! I know ang hirap ng sitwasyon mo now. And I only have 1 baby so I'm not sure if my words are even valid. Well, skn kasi 1 month pa lang. inayos ko na sleeping pattern nya. Whatever it takes pag gabi, is gabi. Lights off (dim light lang para nakikita ko pa din sya) then, classical music and wala talagang maingay. Sa umaga hinahayaan ko sya may playtime. Gising lang. and routine lang talaga. Until now, 14months na sya. Sobrang bihira nya magpuyat. Siguro kapag may bisita lang kami naeexcite sya nagigising talaga sya. Pero on a normal day, talagang straight sleep nya, from 6pm-6am. Nagbebreastfeed lang sya in between sympre. Yung mga moment na iiyak for dede. Pero hndi totally gising. I hope u can do something about this para u can still get enough rest. Mahirap na baka magkasakit ka pa mommy! Kaya mo yan 😘

Đọc thêm
6y trước

May lamp ako na parang bluetooth speaker din. White sya pero tinapalan ko foil yung pang yema haha. Iba iba triny ko na color. I ended up with pink haha gusto nya pink (boy sya lol) pero super layo smin ng lamp. Kasi hinahabol nya haha pero kaya mo yan mommy. Wag ka na mag open light kasi baka namimisinterpret nya yung day and night. Kailangan maestablish mo lang yung concept ng day and night sknya. It will work din 😘😘😘 don't worry mas lalo ka mapressure, lalo ka mahihirapan. Easy lang mommy 🤗 kung may mamiss kang chores. Wag mo muna gawin haha f*** chores muna 😂