HI mga momshies. help naman po. ano ba dapat gawin kapag ung lo nyo eh sobra po talagang kulit. ung lo ko po kasi 4yrs and 4 mos. Naiintindihan ko naman po na bata eh. likas na malikot. kaso po may time po kasi na sa sobrang kalikutan nya napapalo ko na sya. pero tatahimik lang sya sa isang tabi, saglit lang sya titigil at hayan na naman sya. ung kulit nya na anoman ang mahawakan eh hinahagis talaga nya na bahala na kung may matamaan, talon ng talon at halos lahat ng toys nya ikakalat nya pero hindi naman nya lalaruin. parang masaya lang sya makita toys nya nakakalat. ganyan po sya kalikot. kaya minsan napapalo na ng papa nya. naawa naman ako. kaya lang minsan kasi kahit naka ilang saway na kami sa kanya, para wala sya naririnig at tuloy lang sa kakulitan nya. pa help naman po. advice naman po. kasi madalas ko na sya mapalo at ayaw ko naman ng ganon, pero di ko mapigil sa sobrang kulit nya. pls po. thanks in advance
Anonymous