Waiting Game ⏳
Hello mga Momshies! FTM here! I’m 38w1D pregnant. Nung Monday weekly checkup namin ni baby. Upon IE sabi ng OB ko 2cm dilated na ako pero medyo mataas pa rin si baby. Niresetahan ako ng EPO to help in further dilation and effacement. Yesterday, nagleak na yung mucus plug ko. Clear-brownish siya dahil sa pagIE sa akin nung Monday. Everyday ako nagwawalk since 36weeks preggy ako, 30mins every morning and afternoon. Tapos nilevel up ko to 1hr since kahapon. No labor pains pa naman pero madalas na false contractions ko, siguro mga 5 every hour. Madalas na din may sumasakit from within dati pag nakatayo or nakaupo lang pero ngayon kahit nakahiga na ako. Waiting na lang kami sa water break. Sana magtuloy-tuloy na ito kasi 7lbs 7oz na si baby. Kaya minamadali na ni OB paglabas niya. Haha! God bless po sa lahat! Stay safe and healthy po parati especially sa mga FTM like me. Kaya po natin ito mga Momshies! 💪🏻
Wife & Mom of 1