Hi mga momshies first baby ko po and ayon sa tantya ko 7months na tyan ko. I just want to ask help po sana kung sino man po makakatulong kasi laat check up ko nung March po at hindi na nasundan sa kawalan ng pera. Parehas kami ng partner ko na nawalan ng trabaho pati parents ko at parents nya kaya di namin alam san kukuha ng pera. Naiiyak ako habang iniisip kung san kami kukuha ng pera sa panganganak ko. Sumasideline partner ko pero 250 per day lang sahod nya which is pangkain lang namin everyday. Please po malaking tulong na po kahit magkano pampa check up ko po. Lalo at ilang months ng sumasakit tyan ko kung san san na parte kung ano ano nararamdaman ko minsan para pa akong lalagnatin pero di namin alam gagawin namin dahil wala talaga kaming pera. Halos di ako makatulog araw-araw dahil sa sobrang sakit ng tyan ko at hirap sa paghinga. Minsan pag hihinga ako ng malalim parang pinipitik yung puso ko sa sobrang sakit. Nakikiusap po ako kahit magkano basta po bukas sa inyong puso. Maraming salamat po.#1stimemom #momlife #firstbaby #1stpregnnt #TheAsianParentPhil