Ayaw na food
Hi mga momshies, anong FOOD ang pinaka ayaw nyo nung naglilihi kayo? Sakin kase cheese 🤢 Ayoko ngayon ng lasa at amoy ng cheese speacially cheese ring sanck ng hubby ko amoy poops sya sakin 😭 sobrang baho..... Sa inyo po?
saakin kanin kaya sobrang nahihirapan ako ☹ maamoy ko palang yung kanin parang nasusuka na ko. kumakain parin naman ako pero sobrang onti lang at dapat madaming sabaw at ulam
Tuna. I hate tuna in can. Makita ko lang ung can, nasusuka na ko. But before i loved to have tuna spread and tuna pasta. But now, im hating it. All of a sudden nung nagbuntis ako.
Pinakaayaw ko na amoy yung sa pinakukuluan na noodles at pinapainit na mantika 😅 jusme para kong masusuka na ewan pag nakaka amoy ako nun nung mga 1st month ko 🤣🤣
kahit anong orange seafood like Hipon, Crabs, Lobster. (kala mo talaga may pambili ng lobster. 🤣🤣), basta yon. tsaka egg. makita o maamoy ko lang, nasusuka na ako.
Sa food ako walang selan as long as cooked sya at malinis pero sa amoy yung singaw ng bagong saing. 😂 So weird pero nasurvived ko yun kahit ako ang taga saing. ☺️
pinakaayaw ko 2nd bb ko nato 1st and 3nd bb same parin ng pinakaayaw Yubg ginisang bawang at sibuyas, nasu2ka ako kpg nakaamoy nyan at amoy ng Sinaing na kanin,
Wala naman specifically pero sobrang sensitive ng pang amoy kaya nawawalan ng gana sa pagkain. Kung anu-ano naaamoy ko na ako lang nakakaamoy hahahaha
kmkain aq ng kanin kaya q lang iulam e suka😥yung mga pagkaing sarap n sarap aq dti ngayon ayaw n ayaw ko naaamoy lalo yung ginisa na kht ano
Chicken spag 😁. Fave ko po chicken spag before, ngayon buntis po ako nasusuka ako sa amoy or kahit isipin ko lang nasusuka na ako 😅
sino pa dito ang ayaw ng ketsup? huhu. for me ngayon sobrang tamis nya and dko maipaliwanag lasa basta ayoko ngayon ng ketsup 🤢
1st time mommy