Stretch marks

Hello mga momshies! 7 months pregnant po ako. Nung mga previous months ko po wala pa po kong mga stretch marks. Nagulat po ako na ngayon po biglang nagkaroon na po ako at sobrang dami na po nila at maiitim talaga. Madami naman po ako uminom ng tubig at naglolotion din po sa tummy area. Kaso yung lotion ko po ay baby lotion at di talaga para sa pang stretch marks. Minsan po kasi di na ako makatulog sa gabi kasi makati sya. Itatanong ko lang po kung ano pong pinaka effective sa inyo na lotion for stretch marks...Thank you mga momsh!

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Normal po na lalabas talaga yan sis.. yung iba lalabas after manganak, dun makikita, yung iba 8months. Yung elasticity ng skin mo sa tyan nameet na kasi pag ganyan, kinulang pa po sa moisture kaya nangangati rin. Mas okay na gamitin po yung pregnant-safe na moisturizing oil. Sa akin po, sunflower oil 3x a day (human nature) ever since sa 1st baby, until now sa 2nd baby at effective for me, makinis po yung tyan at walang stretchmarks, kahit nung nanganak at di ako buntis yan po nilalagay ko sa tummy at side ng hita. :) try mo lang Sis.

Đọc thêm
2y trước

thank you po mamsh! itatry ko po 💖

Thành viên VIP

ganyan din ako mii eh di talaga natin ma kokontrol yan mii, asa genes na kasi yan bali moisturize niyo nalang po ng baby oil after bath or sponge bath, pag patong ng 7 mos labasan lahat maitim din kahit alagang alaga ko sa oil at lotion tubig ko mii naka monitor pa dapat maka 3liters a day ako

2y trước

kaya nga momsh ang hirap kasi ang kati😅