Expectation during Normal Delivery
Hi mga momshie, wanna get some inputs/ideas gano ba tlga kasakit ang normal delivery. What to expect? Please share your experiences. Im on my 33 weeks. Konting kembot nalang to see my little one

Ako almost 19 hrs ako naglabor mga 3am dinugo ako at nagstart na manigas tummy ko hanggang 12pm medyo tolerable pa ang pain pero nung mga 2pm hanggang gabi halos lumuluhod na ako sa sakit. Para bang nababali na ang likod ko at mga balakang ko. Nanginginig pati tuhod ko. Halos 2 mins lang ang interval. Iyak na ko ng iyak nagmamakaawa ako sa doctor na i-CS na ko pero pinilit niya na inormal kasi kaya ko daw. So no choice lakad, upo, higa ako kasi pag public hospital sa labas ka lang muna bawal ka ipasok sa labor room o delivery room pag di pa nila nakikita na nasa bungad na ang baby. Hindi ko expect na ganun kasakit ang labor pero depende naman ata yun, may mga mommy kasi na ang high ng pain tolerance nila. Mga 10pm nairaos ko din via normal delivery at sobrang worth it talaga yung sakit at hirap pagnayakap mo na ang ang baby mo.😍💓
Đọc thêm
mum of 2 girls❤ and 1 baby angel