37 Các câu trả lời
Hindi po yan totoo. Tinanong ko rin yan sa OB ko kasi palagi sinasabi yan ng nanay ng husband ko na kesyo wag daw uminom ng malamig na tubig dahil lalake ng lalake ang tyan but according to my doctor, ang laman lang naman ng malamig na tubig ay tubig rin so bakit lalake? 😊😊 sana po nakatulong.
Hindi po totoo. Check up ko po kanina and naitanong ko sa OB ko if totoo ba na bawal uminom ng cold water ang sagot nya hindi naman po daw totoo. Kahit milktea nga daw kung gusto ko uminom pwedeng pwede, basta wag daw super sweet.
Sabe nang byenan ko! Okey lang daw uminom nang malamig hanggat maliit pa daw yung tummy pero pag dating daw nang 5months or 6months iwas iwas na daw po kase baka mahirapan daw ako manganak!
hindi naman daw po ang baby nalaki. mismong tyan daw po. ayun din nagiging rason bat yung iba pag manganganak lang nagkakastretch mark kasi nabanat yung balat
im not sure.. kasi sa second baby ko ay 3.2po sya... lagi po talaga akong nainom ng malamig... 2.7 po yung panganay ko... minsanan lng ako umiinom ng malalamig
wala pan nman nakakapagpatunay na nakakalaki ng tyan pero ako iwas matamis at malamig para d masyado lumaki baby at d din mahirapan manganak
momsh ang mabilis po makalaki ng baby sa tiyan is yung may halong sugar po like halo-halo,juice..kaya ok lang po na mag ice water..
thanks momshie.. 😊
Not true momsh, mahilig ako sa cold water nung buntis ako pero nung lumabas si baby 2.1 kg and 4.6 pounds ang liit lang ng lo ko.
Hindi po totoo...tinanong ko po ung ob ko kc sabi nga dn po xken ng mga kakilala ko lalaki dw ung tyan pero sbi ng ob hnd dw po totoo maganda nga dw po un malamig na tubig kc kpg buntis k dw mainit pakiramdam mo
Parang hindi naman po ako naniniwala dito. Madalas po ako umiinom ng malamig na tubig pero maliit lang po tummy ko hehe
It's a myth. Mahilig ako sa malamig na drinks nung nagbuntis ako sa panganay ko and nung nilabas ko sya 2.75 lang sya..
Luz Garillo Garillo