Yelo
mga momshie totoo bang nakakalaki ng bata ang malamig na tubig??
No momshie. Pero wag lang yung ice cold. Nung preggy rn ako pala inom rn ako malalamig. Pati pa nga ice cream eh. Pero di nman lumaki si baby. Pina inom pa nga ako ni doc ng amino acid kasi 7 months na ko maliit parn dw si baby.
Hindi po. Nung nagbubuntis pa ako kay baby girl, di ako umiinom ng tubig or anything ng walang yelo. Maliit lang yung tyan ko hanggang mag 9 months na sya tapos nung nilabas ko sya, healthy naman pero 2.42 kg lang sya.
nope po! follow nio po ung doc (obgyn) dito sa asian tap, nasagot na po nia yan sis. hindi daw po yun totoo. so drink cold kahit nagyeyelo pa yan sis.. keri lang daw sabi ni doc. lalo na init ngayon noh.
Sabi ni ob hindi.. pero hindi padin ako nainom nuon kase takot ako bilbilin after manganak , buti ngayun hnd malki bilbil ko ngayun 1&8 mos na si baby girl ko 😊
Hindi po sabi din nila un sakin noon haha inaraw araw ko pa halo halo at mais con yelo pero di naman malaki si baby. 2.98klos sya normal delivery
Dkopo sure pero I love cold water saka kumain ng yelo kapag meron sa baso 😅
haha hinde. walang konek un. unless malamig na inumin na sweets oo tlgang lalaki
kung gusto mong gumalaw baby mo uminom ka ng malamig na tubig..😊
Not true. Sweets po ang nakakalaki ng baby. Hindi malamig na tubig.
Hindi po nakakalaki ng bata kundi nakakalaki po siya ng tyan ng preggy.