Baby bump.
Hello mga momshie tanong ko lang po kung kailan lalaki ng husto yung baby bumb kopo? medyo po kasi maliit pa yung sakin minsan naman ng iiba ng laki kapag busog ako haha, 15 weeks 6 days napo akong pregnant.
Ako naman mga 2 months palang tyan ko napapansin ko malaki tyan ko , pero dati naman kapag nataba ako tyan ko talaga nalaki .. ngayon 3 months na sya normal padin , kung ano laki ng tyan ko noon nung mataba ako ganun parin hanggang ngayon , normal lang daw po yan .. nakikisama si baby , hindi pa sya masyado nalabas labas , or yung ginagawa ng iba sinasabi daw sa iba na buntis sila tapos biglang laki si baby hindi ko alam kung totoo un kase ako naman hindi kopa nasasabi sa iba , family lang... sabi nila mga 5-7 months biglang laki ng tyan mo .. sa ngaun normal lang po yan
Đọc thêmHi mamshie since mag 4months ka palng na preggy mukhang magkakaroon ka ng baby bump probably around 5-6months.. ako nun ganyan din around 7-8months ata ako nun nung sobrang lumubo na yung tyan ko and visible na talaga na buntis ako haha depende din kasi yung iba 3-4months palang medyo malalaki na yung tyan hehe depende daw sa pagbubuntis.. lalo na pag first time medyo maliit pa daw talaga sa first trimester.. 🫶🏼
Đọc thêmWag mo ng asamin na lumaki ng husto baby bump mo. Ako since 16 weeks ang laki laki ng bump ko(second pregnancy ko na rin kaya malaki sya ng konti) , kaya ngayon nasa 21 weeks palang ako hirap na hirap na ako sa paghiga, pagbangon, pag kilos, pagyuko.. Hirap narin ako humanap ng pwesto sa pag tulog papalit palit ng side dahil sa ngalay. Be thankful nalang kung sakaling uusbong palang bump mo within 6-7 months .
Đọc thêmNagpaultrasound na po ba kayo? Ano po sabi ni OB? Usually sa check up sinusukat nila fundal height kung sakto lang sa weeks mo. And depende din po sa pagbubuntis at sa ktawan ni mommy. May maliit talaga magbuntis lalo if FTM and kung matangkad at payat ang built mo. Ako 24w 5d na ngayon (6months) pero small pa din bump ko. Hindi halata pg nakaloose shirt ako. Pero sa ultrasound ko, sakto naman ang weight at laki ni baby 🤗
Đọc thêmSabi ng iba pag first baby maliit lang tyan pero biglang laki yan kapag mga 5-7 months na ... pero kung 2nd baby mona.. Malaki talaga tyan mo.. minsan naman dipende yan , try to consult ur OB , ung iba malaki talaga tyan kase mahilig sa chocolates .. at iba naman may lahi na talagang malalaking tao .. sa ngayon maliit pa yan , next month sis lalaki yan
Đọc thêm35 weeks preggy here. Mejo chubby ako kaya parang busog lang ako nung mga panahon 1 to 7 months. Ngayong mag 9 months na ako saka lang sya biglang laki. Although, di ko talaga sya pinapalaki dahil hirap ako sa panganay at maliit ang sipit sipitan ko. Palakihin nalang pag labas at mahirap manganak. ☺️
Đọc thêm7 months yan lalaki.. ako nun 4 to 5 months flat pa tyan ko di pa halata, pinag 2 vitamins ako ng ob ko kasi maliit daw tyan ko. nung lumipat ako ng ob sabi nung bago kong ob hayaan ko lang daw at lalaki din mas ok daw medyo maliit para mabilis manganak. ayun nung 7 months tsaka lumaki.
Hello, ako po 18weeks na maliit pa din ung baby bump ko.. Ang in-advise lng sakin kumain lng ng kumain.. Kasi underweight din daw ako.. Kung hindi ka naman po under weight, ok lng cguro ung laki ng tyan mo mi.. 😊 😊
Haha.. Intay k lng po mommy kusa din po lalaki ung baby bump mu,, nagpapalaki p lng po c baby s tummy mu,.. Ako din po ganyan mga 6mos npo yata lumaki ung tummy ko.. Lagi mu lng po kakausapin c baby.. 😊
by 6 months sya magiging visible talaga lalo kung maliit ka magbuntis. ako kasi noon 5 months pero parang bilbil lang daw sabi nila pero by 6 months ramdam at halata na talaga e