33 Các câu trả lời
oo naman sis parehas tayo. ako 5mos nung nag pa ultrasound nun ko lang na confirm at na convince sarili ko na buntis nga ako. i tried pt naman pero lagi malalabo so as a first time mom and walang guidance ng parents di talaga ko ma convince agad (malayo work) nag hihintay kasi ako ng sign pero jusko kahit ano wala. kahit cravings wala dipa nga ko palakain sa araw. pero i take iron sa gabi dahil nuon pa ko anemic, nakasanayan ko nalang. buti lumalaki naman si lo ko ngayon ng masigla at healthy
Hindi ako naglilihi mii hindi rin nagsusuka, good thing kasi hindi ako nahihirapan... Liban nalang sa mag pagkain na dating gustong gusto ko kainin, nalalansahan ako kaya konte lang nakakain ko. Gustong gusto ko din amoy ng bawang, sarap na sarap ako kumain kapag nalalasahan ko yong bawang lalo na sa fried rice. Pag nag gigisa sila lumalapit talaga ako sa nagluluto pag naaamoy ko yong bawang, ang bango kasi...
yes mii same tayo never ako naglihi simula nung nagbuntis ako kaya walang nakaalam na ilang months na baby ko. nahalata lang tyan ko mag 7months na kaya nagulat din sila na buntis ako simula nung nagbuntis ako di ako nakapagpacheck up. unang check up ko na 6months ako kasi diko naman alam ftm din kasi ako. due date ko na ngayong feb 27 pero diko parin alam pinaglihian ko😅
yes mami ako ganyan nuon first trimester ko di ako naglilihi , nagsusuka lang ako kapag nakakainom ako ng pampatrigger ng acid tulad ng zesto ayan , o kaya mangga pero lahat yan gustong gusto ko hahaha tapos inaayawan ko ksi sinusuka kolng pero ung hilo ganun hndi ko naexperience.
ako Mii nong 2 months pa ako di talaga ako naglilihi ang lakas ko pa Kumain pero ngayon na 3 months na ako dun palang ako nakaramdam ng suka ng suka at wala na masyadong kinakain. mas gusto ko nalang kainin yung prutas like watermelon, apple, orange.
ganyan din po aq nung first 2 months pero nung 3rd month dun na q lagi nasusuka 2nd tri na nung nawala pero ngayong 3rd tri na bumalik nman minsan pagkumakain pa bigla nlng aq masusuka iba2 talaga depende sa buntis
me sis wala ding experience ng paglilihi at kahit ano kinakain ko.. 28 weeks preggy.. never ako nag suka during my 1st tri minsan praning pa nga kasi parang wala lang, pero sa ultrasound ok naman si baby :)
yes normal lang. iba iba ang pagbubuntis ng bawat babae. Yung pakiramdam mong parang wala lang. napakapa swerte mo hehehe dahil yung ibang mommy hirap sa pag kaen , nagsusuka nahihilo. maraming pagbabago.
same tayo mi. gang ngayon wala ako paglilihi ndi tayo maselang magbuntis.. may mga ganun daw talaga.. 16weeks pregnant na ko.. ndi pa nga ako nakaexperience magsuka.. at wla ako food na hinahanap.. ♥️
opo, pwede po yun, maswerte ka nga po myy at di mo nararanasan yung mga nakakabaliw na symptoms.. grabe po yung pakiramdam pag naransan mo po, di mo po siguro nanaisin 😅😅😅 swerte ka po myy ❤