Dark Underarms
Mga momshie, sorry for the pic pero sana matulungan nyo po ako. 😢 I am currently 34 weeks preggy pero yung under arms ko sobrang itim at ang kati kati nya. 😭😭 Deonat po yung gamit kong deo since need ko din kasi pumapasok pa din ako sa work. Ano po bng pwede ko po gawin para mawala ung kati and maglighten naman po sya kahit unti. Sobrang dry nya na din po kasi and mahapdi po. Puro bumps pa po. Salamat po in advance 😢#pleasehelp #advicepls #pregnancy
Ako po bute s awa ng diyos wala pa po nangingitim sana hanggang s panganganak po bali babyoil gnagamit ko and dove soap lang ako iniwasan ko na muna ang pag gamet ng Kojic or any whitening Soap po baka po kasi nagamit parin kayo ng mga whitening bawal napo kasi iyon mamshie lalo na mas sensitive balat natin kaya napaano din po ang underarms nyo deonat din po gnagamit ko pala s UA ko
Đọc thêmsame momsh..talagang part ng pagbubuntis yung pag darken ng underarms tas ang kati pa..sakin tiis chaka na lang muna..pag labas na lang ni baby tsaka magpaputi ulit ng mga singit..nagamit ako before ng nrb deo and super effective sakin..pero nag stop ako nung nagbuntis. kaya hello dark underarms ulet.. pag sobrang kati..try mo ihot compress para malessen yung kati..
Đọc thêmnangitim din po sakin nung buntis ako, pero hinayaan ko lang diko gaanong nululudludan lalo nung pagkapanganak ko sabi kasi sensitive lahat baka raw mabinat pa ganon. then after 1 month dun na ko nag start magludlud ng kili kili pero control lang di gaanong madiin after 2 months medyo naglighten na kilikili ko compared nung buntis ako
Đọc thêmMommy wag na po kayo mag deo... mas better if mag tawas nlng po.. yung tawas po ihalo nyo po sa water then salin nyo po sa bottle spray.. para un po ang pinaka deodorant nyo.. mas ok sya at malambot sa balat less pangingitim at dry.. nasubukan q na po yan... puputi pa sya kahit buntis po kayo.. tawas lang po . Thank me later 😊
Đọc thêmbaka po kaya nangangati momsh kz dry po..wag kna muna po maglagay ng deo..skin kz tawas lang nilalagay q ao far ok mmn kilikili ko..ung pamgigitim nmn po sb nila normal pang daw un ksma un s pagbubuntis sooner after giving birth magbabalik din xa sa dati...
ako din maiitim sobra, hinahayaan kulang kasi ganya ako lage pag buntis ,nawawala din pag kaanak. kuskusin mulang po ng baby oil bago ka maligo tas ika lamansi nyu po then babad konti 10mins. tas maligo na kayu medyo mawawala kati.
mommy pahiran nyo lang po ng baby oil at punasan ng bulak bago maligo. pagkatapos maligo tawas po ang ilagay nyo. alternative na din yong magbabad po kau ng kalamansi bago maligo . wag na po kau gumamit ng deo na may matatapang na chemicals lalong nakakaitim po un.
wag mawalan pag asa sis babalik din yan ganyan din ako sa.2nd pregnancy ko kusa din bumalik.sa dati the more na kinukuskos mo yan lalo yan iitim tsaka di k pa pwede gumamit any whitening lalo kung breastfeeding ka pag kapanganak mo
normal lang yan po sa buntis.ako nsa 16wks plng umitim na,lalo n nun sumampa ng 24wks dhil baby boy..hayaan mo lng..pero try mo din bmili nun sa Tiny Buds na pampalighten...maganda xa dhil natural ang ingredients
Nagdarken din ang underarms ko pero hinahayaan ko lng kasi normal lng sa mga preggy. But now that I'm on my 38th week of pregnancy, unti-unti na sa syang naglighten. Deonat din po gamit ko yung stick.
Yumd akin nabili ko po sa Watsons...
dahil sa pagbubuntis yan mumsh try mo muna mag stop gumamit ng deodorant baka kse sensitive ang skin mo ngayong buntis ka..ganyan kse ako now..pagkatapos mo nmn manganak babalik sa dati yan