Gawa ka po ng checklist ng mga bayarin mo. Unahin mo lahat ng mga bills, next is budget for groceries (at least yung mga usual needs nyo for the month. Like detergent, shampoo, sabon, etc etc.), then isama mo din ung mga needs ni baby like diaper, milk (mas maganda kung macocompute mo ung consumption ni baby mo for the month) sample sa milk, ilang days nya yung isang lata. Sa diaper ilang days ung 40pcs. From that maassume mo ung monthly gastos ni baby. Magdagdag ka ng onti kasi minsan napapasobra sa estimate ung usage ni baby. Next sa list yung daily food budget nyo, need mo iconsider yung fluctuating presyo ng mga bilihin. So dpt me extra din. Then next mo sa checklist ung mga not so important pero need if kung magkakaemergency. Like budget sa doctor and medicine if magkasakit si baby. If magawa mo po yang list n yan, pwede ka po maglagay ng jars na may tags. Pag dating ng sweldo ilagay mo sa jars with corresponding tags ung pera. Para separated na siya. Iwas overspending :).
Unahin lng ang necessities ni baby as much as possible and since mommy ka na medyo control na sa mga wants natin.
Ako po sinusulat ko talaga kung anong kailangan pang isang buong linggo tapos saka ko ibbudget.
Roseann DeGuzman Repolles