Worth it?

Mga momshie patulong naman. Kelangan ko lang ng advice, ayoko magsabi sa mga friends at lalo na sa family ko. One dag nalaman ko nalang na buntis ako never nagpakita si bf sa akin ng masaya sya or kung ano man pero sinusuportahan padin naman nya kami hanggang ngayon 35 weeks na tyan ko katunayan nyan parang 30 weeks palang ata kumpleto na gamit ni baby from crib to damit lahat meron na except lang sa straller. Nagsabi naman sya na sisiguraduhin nyang andun sya pag manganganak ako yung work kase nya wala syang malayang oras naiintindihan ko naman yon. Pero sinabi din nya sakin na di na nya ko mahal. Nung una tinanggap ko pero ilang araw lumipas di ko nakayanan nakipag ayos din ako sabi ko kahit para sa bata lang, kahit hanggang sa manganak ako "ako lang muna, kami lang muna ng baby nya" pumayag sya. Eto nagkakausap padin kami ngayon katunayan 18 months na sana kami ngayong araw kung di kami nagkagulo last November lang kami nagkaaway alam kong may kasalanan ako pero nabababawan ako sa dahilan nya para bumitaw sa relasyon namin. Ganun ganun nalang yon? Di na nya ko mahal ganun nalang? Hinahawakan nya tyan ko pag magkasama kami pero never nya kinamusta si baby sa tyan ko. Nasama pa sya sakin sa probinsya kapag uuwi ako kay mama basta wala syang duty. Pinaparamdam din nya sakin na wag ako magselos pag may mga oras na nagseselos na ako. Sinsabi ko sakanya nagseselos ako kahit wala naman syang ginagawa tapos gagawin nya sesendan nya ko pictures katunayan na wala syang ginagawa. I don't know if maayos kami or hindi. Pero yung pinaka ayoko parang tinatago nya si baby, ngayon ko lang napansin yung mga kamag anak nya except sa tatay at kuya nya lahat di ko na friends sa fb pati yung mga kaibigan nya sa province nila. Hindi ako ang nagunfriend sa mga yon. Nung bago nga lang ako magbuntis panay iyak ko eh, kaya pakiramdam ko nararamdaman ni baby kaya tuwing kasama ko sya tahimik si baby di nagalaw. Pano po ba gagawin ko? Bitawan ko nalang po sya or ituloy ko nalang kase si baby naman ang importante eh di naman sya nagkukulang sa mga pangangailangan namin ng anak nya kapag kelangan ko magpaospital dahil masakit nararamdaman ko sya nagbibigay ng pera. Nagugulo na po ako, di ko alam gagawin ko.

2 Các câu trả lời

Mumsh, better na tigilan mo nalang kasi nasstress ka lang at si baby. Hindi po healthy na lagi ka nagiisip ng negative baka makaapekto pa kay baby. Kung feeling mo kaya mo namang buhayin magisa si baby, let go mo na bf mo. Mahirap mag stick sa one-sided relationship. Sa ngayon focus ka nalang kay baby.

Alam ko naman na masama magisip ng kung ano ano kase naistress si baby. Kinakausap ko nalang sya na love sya ni papa nya ganto ganyan. Pero minsan talaga may araw na di ko mapigilan bigla nalang akong iiyak. Tapos kapag sinasabi ko sakanya na nagseselos ako or kung ano ano man binibigyan nya ko ng rason para mawala yung selos na yon. Nalilito din ako sa kung anong pinapakita nya. Kase yung pinapakita nya parang ayaw nya na magkahiwalay kami pero yung sinasabi nya iba. Sa katunayan nga pati yung bahay na binalak namin kuhanin nung bago palang kami sakin padin nya tinatanong kung okay naba yun kase sya nasisikipan daw basta mga ganun bagay kelangan lagi may opinyon ako.

Let him go. Be thankful enough that he's willing to support the child. Wag mo na siyang obligahin na mahalin kung hindi na talaga kaya. Nagdudulot lang ng stress sayo at sa bata.

Ganun na nga sguro. Pero galing kase ko sa broken family. Dami kapatid sa nanay dami kapatid sa tatay alam ko hirap ng buhay. Pero sa totoo lang napapagod na ko. Ayoko syang sukuan kase kapag sinasabi ko sakanya na ayoko na suko na ko si baby nalang maguugnay samin tatanungin nya ko bigla ano na naman daw ba ginawa nya bakit nagagalit ako. Ang hirap kase pinaparamdam nya na wag ko syang sukuan pero di sya nagsasalita. Iba yung kilos nya sa galaw nya 😥

Câu hỏi phổ biến