Cs

Hello mga momshie. Pa share nmn po ng experience nyo nung cs kayo, paano po un? Nakatulog na kayo nung tinurukan kayo ng anesthesia? Masakit po ba? Gising ba kayo during the operation? Or tulog kayo? Paano po? gaano kayo katagal sa loob? Dinugo pa din kayo after ma cs? Thank you po sa mga mkksagot? 34 weeks preggy here.

18 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Emergency CS nangyari sakin. Wala sa plan. Pumutok water bag ko but no pain. As in overflow na ang water wala pa din pain, at nung i-IE ako sa lying-in wala pang 2cm. Continous pa din si water kaya tinakbo na ako sa ER kasi wala talaga pain. May nerbiyos ako sa karayom kaya inabisuhan ng hubby ko lahat ng staff and nurse sa hospital na wag mag fishing, kung pwede isa mng tusok lang for all. Kasi talaga seizure ako pag tinuturukan. IE ulit wala pa din 2cm. Ultrasound. Hindi naka sakto ang ulo ni baby sa butas kaya yon, CS ang ending. Sa delivery room, tinurukan agad ako ng sedative kaya hindi ko na na-meet yung pedia at OB. Paggising ko, nasa labas na ang baby tapos tulog ulit. Nasa recovery room na ako nung magising ulit kasi need mag latch ni baby para makalabas kami delivery room. It was really painless pero may hollow part inside me kasi hindi ko na-experience yung painful labor. I thought it was the essence of giving birth. Pero wala ako ko non. But the pain you have to go through while recovering from the operation is also excruciating. Lalo na yung need mo maka-pee at maka-poop right after manganak kasi hindi ka makakalabas hospital. Grabe yung sakit. Naiyak talaga ako. I had to endure the pain nung sugat for more than a month. Kaya you need a partner to help you with everything---literally. Mas maiin-love ka sa partner mo in the process of healing. But all in all, it boils down to the joy of having that precious angel on your arms. It's all worth it and I can go over all that again and again without regret because it's all worth it. In photo: here are the men in my life. My angel and my knight-in-shining-armor 😘😘😘 P.S. My son just turned 2 this year. This is their summer look by me. Hehe

Đọc thêm
Post reply image
Thành viên VIP

Emergency cs po ako kasi mataas BP ko.sabi nila masakit daw yung tuturukan ka ng pampamanhid kaya nung naka pwesto na q hinihintay q yung sakit🤣 nkhanda n tlg q inaantay q ng inaantay kaso d ko mrmdman na may tinutusok cla.mg medyo masakit lang pero mas masakit yung sa pag posisyon nla saken 🤣🤣 gang sa inayos nla aq nagtaka ako bat inayos na nila ako ng higa nun pala tapos na 🤣🤣 sabi ko ay ganun pla un,,?😅😅 Tz namanhid na q.nilagyan nila q oxygen.dun ako nahirapan sa oxygen kasi kahit naka oxygen aq hnd aq makahinga at paunti unti nlng hinga q.naririnig q sabi ng doctor q stay with me stay with me.kz hirap n tlg q huminga at nanghihina na q.kaso yung ulo nang baby ko hnd nla makita kasi nga tiyan ang nhhwkan nila need pa nila iikot ang baby.nadinig ko sabi ng isa pang doctor.tahiin muna natin tz ipaikot yung baby pra mkuha agad.pero sabi ni OB ko hnd pwd wla na tau oras nanghhina na pasyente ko.mabilis nmn nkuha ng OB ko c baby at naipabas.kinakausap ako ng OB ko pero d na q mkasagot kasi wlang wla na ko hangin tlg narinig q nalang iyak ng baby ko at sabi ni OB ang ganda ng baby mo wag ka sumuko kawawa siya.kaso palabo na ng palabo nakikita ko at nadidinig ko gang sa d ko na alam kung panu ako naging ok.naririnig q mga tao sa paligid ko pero nakapikit ako hnd ko na maimulat mata ko.naramdman ko nalang yung paghinga ko hindi na gaya nang dati na hirap.hnding hndi ko malilimutan un.nakakatakot pero pag naaalala ko now napapangiti nalang ako.7months ba baby ko now at 3months pregnant ako now ☺️☺️ hnd na rin ako natatakot kasi alam ko kakayanin ko para sa baby ko 😍

Đọc thêm
5y trước

Thanks☺️ bakit nmn takot kna?

Thành viên VIP

Ecs ako, over due na kasi si baby na induce ako for 3 days, 4 cm na siya nong pinasok ako sa labor room pero bigla na lang na di ako makahinga nilagyan ako oxygen same pa rin hindi pa tin ako makahinga at tumaas na din bp ko, nag decide ob ko na ecs ako para sa safety ng baby ko baka kasi maubosan ng oxygen sa loob ng tiyan ko, ang sakit nung pag turok sa likod ko sobra takot na takot ako nun tapos hirap pa akong makahinga feeling ko talaga that time hihinatayon na ako pero naging okay na nong tumalab na anesthesia, gising ako during my operation yubg feeling na ginagalaw galaw lang tiyan mo, tapos bigla na lang umiyak baby ko pinakita nila sa akin at pina dede bago ako pinatulog, nakakaloka yung sakit di ko makalimutan nakaka trauma tapos wala pa asawa ko noon, tapos na asok pa s nicu babay ko kay di rin makahinga may pneumonia siya pag kalabas, kahit may tahi ako yung nag aalaga sa kanya bf din si baby habang na dede siya kumikirot din sugat ko muntik na kong mag give up nun, kasi after 2 weeks sa hospital na yun binalik ko na naman siya sa hospital another 2 weeks na naman, iyak talaga ako nicu na naman siya ako pa rin nag aalaga sa kanya ako din nag pupuyat grabing sakripisyo yun, na binat ako pero kinaya ko pa rin kahit mag isa lang ako that time!

Đọc thêm
Thành viên VIP

SKL mamsh yung experience ko..hindi ako makapaniwala na nakayanan ko yun lahat..peru salamat sa Diyos at nakaraos din ako..andon na ako sa OR,8pm, Dec13,2019.. inexplain sakin kung anu yung magiging procedure ng CS..tuturukan daw ako ng anesthesia sa likod..from bust to feet na yung pamamanhid..may toothpick sia upang mamonitor kung mararamdaman ko pa daw or hindi yung marahang pagtusuk ng toothpick..nung hindi ko na naramdaman, start na yung operation..may nararamdaman parin ako, na parang kinakalikot yung tyan ko peru hindi naman masakit..tsaka, ngchi-chill ako..yun daw ang side effect ng tinurok sakin..yung iba nga daw, pati panga nanginginig..hindi daw ako pwedeng matulug para yung baby ko hindi din daw tulug pag kinuha nila at para makaiyak immediately..8:19pm nung nilabas nila si baby..pina skin-to-skin sakin..tsaka tinahi na ko..i think mga 9pm andun na ako sa recovery room..bilis lang naman ng procedure nla..ngayun 2months and 17days na si baby ko 😍

Đọc thêm
5y trước

ur welcome mamsh 😍

Thành viên VIP

Pagkapasok ng operating room kabadong kabado ako then may ininject sa swero ko pampaalis daw ng nerbyos then masasamid lng daw akong onti so ayun na kumakalma na ako then anesthesia sa likod na hndi naman masakit, feel ko na talagang hubad ako at kita na nila kaluluwa ko pero keme na hahahahhaha sanayy naman sila. Then pnataas ung paa ko pag di ko na naitaas start na kaso nrnig ko wala pa OB ko tapos nakatulog na ako. Nagising lang ako nung dnadaganan ng nurse tiyan ko pnupush pababa kasi taas pa daw baby ko narinig ko then ayun pagiyak ni baby hnahanap ko pero ung doctor pnatulog prn ako ayun tulog naman ako. Rinig ko kung ano timbang ng anak ko then sabi di naman daw big baby ang 2.8 sched cs kasi ako sa una kong ob big baby daw at liit ng sipitan pero keri naman pala inormal. di na ako dnala sarecovery room diretso room namin ako.

Đọc thêm

Share ko lng experience ko mommy . Ako sinaksakan ng dextrose habang nghhintay sa ob at anesthesiologist . Dinala na ako sa or nung dumating yung anesthesiologist . tnurukan nya na ako sa likod pero wala nman ako nramdaman na sakit , magaan kse kamay nya . after a minute umepek agad anesthesia tska ako nilagyan ng catheter . then at exactly 5pm nagstart na sila . Mejo groggy ako that time pero gising ako kse excited ako makita si baby . 5:30 baby's out then nung nkita ko na sya dun lng ako nkatulog . 5hrs ako sa recovery room bago ako iakyat sa mismong room nmen . Mkkaramdam ka lng ng sakit kpag nawala na anesthesia pero saglit lng nman kse tnuturukan agad nila ng pain reliever .

Đọc thêm
Thành viên VIP

AQ momsh emergency CS rn,almost 3days in labor hanggang sa pinaputok n panubigan 1 but it doesn't help,induced narin pero ganun prin mataas pa rw c baby hanggang sa ng full 10cm na AQ pero c baby mataas pa rw at d na gumagalaw PRA lumabas kaya ayon cs. Tinurukan AQ ng anaesthesia half body,gcing AQ medyo masakit pero unti unti n AQ namanhid hanggang sa naramdaman q lumalamig na yung tyan q nilagyan nla ng takip mata q PRA d q mkita den mga 1hr I think pinakita na sakin c baby.. Den dun na AQ tinurukan ng pampatulog mga 8 hrs yta pagkagicing q nanginginig AQ pero d AQ nasusuka unlike others na mga nakakaisap q sa OR,no rice muna ng ilang araw. Hanggang sa makautot ka.

Đọc thêm

Sa akin ECS ako nun. Gising ako gang sa time na pina skin to skin kami ni baby. After nun nakatulog na ko . 6pm natapos ung operation around 9pm ako nagising. dko lng sure if my naka experience dto na nahirapan huminga nung time na wala ng pakiramdam ung boung katawan? Anyone here? Grabe ung experience ko na un , mangiyak na ko nun kasi hirap akong huminga kaya nka O2 ako nun , at duwal na duwal ako that time . akala ko last breath ko na nun 😭😭😓 pero thank god di kami pinabayaan ni baby 🤗😍

Đọc thêm

Hindi na pinapatulog ngayon mamsh. Pagbe-bend-in ka ng anesthesiologist, ung tiyan dikit sa tuhod tapos inject. Twice ata un sa tanda ko. Mararamdaman mo sya pero hindi masakit. Tapos ipapatihaya ka na then ipapataas sayo ung mga binti mo. Pag di mo na natataas start na. Ako nun tulog ako kasi groge ako sa pain reliever, nagle-labor ako 2. 5 days pero hindi na tumuloy bukas ng cervix ko kaya CS. Siguro about an hour ung procedure. Konting dugo lang lumalabas sakin after.

Đọc thêm
5y trước

Thank you momshie😊 gusto ko sana tulog ako haha

depende kung saan ka magpa CS. Mag private hospital ka para asikasuhin ka maayos. Madali lang operation pero mahirap post partum. Ung healing process masakit. Dapat may support ka from your family to take care of everything you need tska needs ni baby habang nagpapagaling ka. Mga 2 weeks, OK ka na nun pero hinay pa din sa pagkilos. I'm currently at 2 weeks after CS.

Đọc thêm
5y trước

Ayan ayos yan! Napakalaking tulong kung may mother ka sa tabi mo. Sooobra! Wag ka kay partner umasa kasi wala maitutulong yan sayo. Haha. Mother knows best. Need mo kasi alagaan. Dalawa kayo ng baby aalagaan on your first week. Basta, relax lang ikaw tapos go with the flow. Kaya mo yan! 😚