Here po mommy for more info po : https://ph.theasianparent.com/pusod-ng-baby/?utm_source=question&utm_medium=recommended Paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa pusod ng baby para makaiwas sa mga impeksyon? Narito ang mga tips na dapat tandaan. Panatilihing tuyo ang pusod ng baby. Kung ito ay mababasa, dahan-dahan itong punasan o dampian ng malambot na tela o lampin. Maari ding gumamit ng Q-tips o cottonbuds para punasan ito ng dahan-dahan. Noon, ipinapayo ng mga doktor na linisin ito sa pamamagitan ng 70% rubbing alcohol. Ngunit ayon sa mga bagong pag-aaral ay pinapatay daw ng rubbing alcohol ang mga bacteria na nakakatulong sa mas mabilis na pagtuyo at paghihiwalay ng stamp sa pusod ng baby. Sa pagsusuot ng diapers, itupi ang taas ng diapers para maiwasan ang pagkakakiskis ng diapers mula sa stump na maaring magdulot ng sakit at pamamaga sa pusod ng baby. Sa ganitong paraan rin ay maiiwasang malagyan ng dumi o ihi mula sa diapers ang pusod ni baby. Sa ngayon ay may mga diapers na nabibili para sa mga new born na may space o area ng nakatupi para sa pusod ng baby. Gumamit ng malinis na damit na ipapasuot kay baby. Maaring gumamit ng tela o bigkis sa pusod ng baby ngunit kailangan ito ay hindi makapal upang mapasukan parin ng hangin na makakatulong sa mabilis at natural na pagpapatuyo nito. Imbis na paliguan, maaring punasan lang ng basing bimpo ang bagong panganak na baby upang hindi mabasa ang pusod nito.
continue mo lang paglilinis mamsh