Hi mga momshie!
May nabasa po kasi ako about cryptic pregnancy. Sinasabi po na 19 months na syang buntis hindi daw madetect ng ultrasound and all that. Pero mga momshie, ang cryptic pregnancy, ang nanay ang hindi nakakadetect. Unaware yung mother na may baby sa kanyang tyan hanggang sa manganak na sya. Pero hindi po yan cryptic pregnancy kapag iniisip nyong meron pero hindi nadetect ng ultrasound and Doppler.