109 Các câu trả lời
Actually yung mama ko din pati mga tita ko ayaw pa nila akong magpakasal. Yung mama ko kasi nakatyempo ng lalaking nambubugbog which is yung papa ko. Yung tita ko naman nagcheat yung asawa niya sa kanya kahit dalawa na anak nila. Intindihin mo na lang siguro na baka concern lang sya na magaya ka sa kanila. Di naman masama siguro intention nya. Pero kasi kung tiwala ka naman sa partner mo walang problema kung magpapakasal kayo lalo kung gusto nyo naman both at responsible naman si partner mo.
Based sa mga barkada ko lahat sila nagsabi wag muna magpakasal, kasi ung isa 7 years sila live in bago nagpakasal, ung isa naman kakaannull lang tas ung isa single parent, lage nila sinasabi sakin nun even di pa ako buntis na wag muna magpakasal, kahit ang ate ko na maagang nagasawa sinsabi din na pagisipan ko muna... kaya ako undecided though next year pa namin plan magpakasal..still have months to decide, but big part of it gusto ko for my baby, pero for myself doubt ako....
aѕa ιnyo po υn ѕιѕ ĸayo nĸĸaalaм aт мagddeѕιѕyon ғ ready nвa ĸaυ .. ĸc ĸaмι 6мoѕ pa lg daтι ng нυѕвand ĸo nagpaĸaѕal ĸaмι agad ĸaнιт ayao ng мga тιтa ĸo ĸc dpa dao alaм naмιn υng υgalι ng ιѕaт ιѕa .. ngaυn 8yrѕ na ĸaмι ng aѕawa ĸo aт 2 na вaвιeѕ naмιn .. мaѕaya aт naмυмυнay ĸaмι ng тaнιмιĸ pιnaтυnayan nмιn sa laнaт na ĸaмι тlga aт oĸay ĸaмι ĸaнιт тυтol ѕla 😊
wag kn lang masyado paapekto sa kapitbahay niyo kasi iba iba naman ang ugali ng tao.para saken, kasal muna, kasi yun ang kinagisnan at natutunan ko sa mga magulang ko.saka dont expect na yung partner mo eh, perfect at kilalang kilala mo na.madalas, malalaman mo ugali ng tao pag nakasama mo na sa iisang bubong.kaya dpt kung magpapakasal, mamahalin mo sya sa kung sinu sya kasama mga kapintasan nya kasi lalabas at lalabas din ang pangit na ugali ng partner mo,dpt handa ka.
Kami 6 years nagkasma bago kinasal sis. :) tpos sbi nla bt kasalang bayan lang? Praktikal na ngayun di masama sbhin na kapos sa budget natural na yan ngayon. mas okay tlga magsama muna kayo ,ng mtgal para mkilala mo din sya. Pero depende kci may iba kasal na agad kci mtgal nang magkarelasyon. kmi kci noon bgo bgo lang kaya ginusto ko din na live in muna hanggang sa natuto nadin kmo mag adjust sa isat isa
Hanobayang kapitbahay na yan! Masabunutan! (Cheret) Huwag na pong masyadong makipaginteract kung iffeed kayo ng negative thoughts. At sino siya para sabihing matutulad ka sa kanya. Hayaan magsalita at huwag na huwag papakinggan. Magpakatibay kayo ni hubby. 🙌🏻🧡 Kung naniniwala na mawworkout ang pagiging pamilya magpakasal. Hindi nasusukat sa tagal ang tatag ng relasyon though may factor rin naman.
Naku bitter yang mga ganyan, tska bakit sia ang papakinggan mo? Kung ano nararamdaman mo o plang nio talaga ng partner mo edi go kayo magpakasal kayo, hindi yung ganyan na porke bitter sia sa lovelife nia eh ida dragg ka nia, hindi maganda pinapakinggan ung mga ganyang klase nang tao na panay NEGA iba iba naman ang kapalarang nang tao bakit nia itutulad sakanya yung sayo. Naku layu layuan mo yan. Haha
Kaya nga e. Yung patner nya kase talaga wala apura barkada at gala lang. Nagkakasakit na yung anak nila wala yung asawa nya kundi nasa galaan or barkada.
Sis pakasalan mo na e kahit naman anong ugali na matuklasan sa asawa e okay lang as long as mahal mo mapagtitiisan mo sya tsaka nasa pagsasama nyo naman yon kayo nakaka alam non labas na sya don. Pwede din na baka nung una sobrang bait ng asawa nya lumabas lang ugali nung nagtagal kaya bitter. Trauma lang siguro yung kapit bahay mo e concern sayo kaya nasabi nya yon. 🤔
sis, kahit ano pa sabihin ng kapitbahay mo, ikaw lang at ang partner mo ang may say sa relationship nyo. kahit magka age pa kayo nung kapitbahay mo, hindi naman lahat ng pangyayari sa buhay nyo parehas. kung ok kayo ng partner mo, good for you. kayong dalawa ang mag usap dahil kayong dalawa ang makakaalam at makakasagot kung kailan at kung handa na ba kayo magpakasal.
Cyst wag mo pakinggan yan, ikaw ang nakakakilala sa partner mo at kayo lang ang may karapatang na magdesisyon kung plano nyo na magpakasal o hindi kasi kayo ang gagastos, di naman yung kapitbahay nyo. Kung concerned sya, okay lang naman pero hindi para maapektuhan yung desisyon mo. Baka bitter lang si sismars kasi nagkaganun yung married life nya hehe.
Kriztel