16 Các câu trả lời
Pasok pa naman sya sa normal range ng development mamsh,tyagaan mo na lang din na kausapin palagi. As much as possible,wala sanang screen time. As long as nakakaintindi ng simple commands tsaka tinatry naman nyang makipag communicate,siguro nahihirapan pa lang din syang bigkasin mga words na gusto nyang sabihin. Kausapin nyo sya ng nakikita nya yung buka ng bibig nyo at malinaw pagkakabigkas nyo ng syllables ng bawat word,baka makatulong para mas matuto syang magsalita. I have a 14 month old baby,mama papa ate appa pa lang din nasasabi nya tsaka ilang simple korean words. Siguro 2-3 korean words na 2 syllables. Nung nagsstart pa lang magsalita si baby,niremind na ako ng pedia namin na baka mas madelay ang pagsasalita ni baby compared sa mga kaage nya since 3 languages naririnig samin. Pero nothing to worry pa naman,naeexpress nya naman yung gusto nyang sabihin at nagtatry syang mag string ng words. Naiintindihan din naman nya mga sinasabi namin tagalog,english or korean so baka talagang mejo confuse lang sa words. Baka same lang ng sayo mamsh. Kung talagang worried ka,mas okay consult your pedia para sure ka🙂
Yung panganay ko mahigit 3yrs old na xa nagsalita, Nun una nagsasalita xa na parang out of this world.. Dun namen nalaman kaya pala hindi nya kami naintidihan at hindi xa makapagbigkas ng tuwid English pala ang alam niya.. Dahil cguro sa kaka YouTube, at TV.. Pero ngayon nakakabigkas na xa minsan English, minsan tagalog depende pag yung word hanggang 3syllables lang kaya niya.. Pag mahaba sa tagalog ini English nlng namen if masmaiksi ang syllables
same with my twins dahil madalas manood ng tv naging english ang salita nila pero bulol parin, pero yung anak ng pamangkin ko dahil maraming kausap at 2 years old matatas na magsalita at kumanta in tagalog.
normal Lang po Yan mam. wag madaliin Ang anak sa pagsasalita kusa Naman Niya po matutunan niyan. like po sa anak ko 2 year and 2months na po siya pero bulol pa Rin may mga word Naman siyang nababanggit Ng Diretso pero Hindi lahat ganun. magugulat nalang kami makakapagsalita siya ng mga word na medyo bulol . kusa po niyang matutunan niyan mam. Hindi ko po pine pressure Ang anak ko sa pagsasalita ☺️
iba iba ang development ng bata, and please let us not compare them, kasi kung hindi tayo ang mappressure, baka sila ang ipressure natin. Wag papstress sa sinasabi ng iba. You are the parent, help them in any way you can na hindi ka nasstress at hindi sila nappressure😊😉.
true eh medyo pressured ako sa mga biyenan ko hays
Avoid screen time (tv, mobile, computer) Kausapin ng kausapin. Read books. Baby ko sa ganyang edad kaya na nya magsalita ng 3 words like “kain ko mama”. Ngayong 20 months na siya katulad na siya magsalita ng 5 years old ko na pamangkin na lumaki sa cellphone.
Baka bullol lang po sis,lagi nyo po sya kausapin atvless po muna sa pag gamig ng gadgets kasi nakakadelay tlaga yan ng pagsasaliga. Niece ko matagal din bago nakapagsalita,now mag 4yrs old mejo bullol pa. But if worried tlaga kayo better paacheck up nyo na po
same age with my lo pero hinahayaan lang namin kasi tingin ko normal lang yun sa age nya, nakakapagsalita din naman siya ng paisa-isa like mama, papa,baba pero matututunan din naman nya yan mommy :) wag po masyadong magworry iba-iba po development ng mga bata :)
thank you mamiii
may kanya kanya po kasing readiness ang bata. tama po yun kausapin nyo lng po ng kausapin, makakapagsalita din sya sa sarili nyang oras. kapag 2 years old pataas na po sya dun na po kayo magworry sa ngayon more on baby talk pa din po ang ganyang bata.
tia momshie
May mga. Bata tlga na pinakalast na nagdedevelop sknya yung speech.. 1 and 4 months hindi p nmn ganun ka significant yung delay.. Consult nyo po sa ob kung doubt na kayo.. Para marefer kayo sa specialist
normal yan mommy. hindi naman po pare pareho bg development ang babies. yung bunso ko nga pong kapatid 3 yrs old na bulol bulol pa din. ok lang yan. kausapin mo lang po sya everyday. magiging okay din yan :)
thank you momshieee
Reyes Tin