ask lng po
Hi mga momshie maganda gabi po wala pa po cyang 1month meron na po cyang sipon at ubo ano po ba gamot sa sipon at ubo ng newborn baby po maraming salamat po
Pneumonia ang common sakit ng baby... Pacheck mo agad wag ka mag self medicate sa baby mo kasi kinocompute ang dosage ng gamot na binibigay sa mga babies based din sa weight ni baby and history ng family.. Marami itatanong ang haharap sa inyo sa hospital either clerk, interns or residents maging honest lang po sa sagot sa bawat tanong wag po mahiya magsabi ng totoong sagot para madiagnose si baby ng tama..
Đọc thêmSis, pa check up mo na sa Pedia. Nagkaganyan anak ko. Ubo pero walang sipon pero na diagnose sya ng Pneumonia. :( 7 days kami sa ospital. Kasi kapag daw baby na less than 4mos, di tinatablan ng oral medication. Lahat dapat naka daan sa suero. Sana gumaling na baby mo.
Ganyan di baby ko nun 3weeks old cya niresitahan cya ng citirizine drops .6ml once a day bedtime,tapos salinase 3xa day then after 3days nagkahalak na pediamox dinagdag for 10days .6ml once aday din naging ok naman tapos constant latch lang
Breastfeed kapa momsh? Continue mo Lang . Pero kapag feel mo medyo di na maganda Ang lagay ni baby . Pa check up Mona po sa Pedia much better Pedia sa ospital 😊
Pacheck up mo napo sa pedia nya para masure mo anong pwedeng itake nya kasi prone pa po talaga ang baby sa sakit. Lalo na new born palang sya.
Pacheck up mo na momsh. Mahirap magrecommend ng gamot. Maganda pa ding si pedia ang magsasabi ng gamot for our babies😊
Breastfeed nyo lang po at nose frida (pang sipsip sa sipon) tapoa punta na din kayo ng Pedia para sure. Mahirap na dba..
Pachek up mo sis .at iwasan mong uminum ng malamig ..na kahit ano .kasi pag nagpadede ka madede nya yong lamig ...
Better check agad sa pedia mamsh kasi mahirap yan maya mauwi sa pneumonia mahirap na po .. Getwell cutie baby ❤👶
Maraming salamat po sa advice niyo po
..better kung sa pedia nyo nlng po itanong kasi iba2x ang pedia. .sakin ang binigay desudrin at asmalin..
Momsy of 2 curious cub