Ask
Mga momshie diba pag unang prenatal naga inject sila anti tetanus? Bakit nung nagpa prenatal ako di nag inject yung ob ko. Tapos pag 3months to 4months normal lang ba yung tyan na di pa masyado lumalaki? Yung parang busog lang ako. Naninigas lang pag tapos ko kumain pero pag wala laman tummy ko parang di lang ako buntis, excited na kasi si hubby makita tyan ko :(
Same tayo mamsh ng nararamdaman ganyan din ako kaya yung mga tsismosa samin dito sinasabing nag sisinungaling lang daw ako. 😏 pero di pa ko iniinject ng pang antis tetanus.
Sakin sis. 5mos and 6mos tinurok sakin but before that nag ask muna ako permission kay ob ko kay dito nalng sa health center nagpa inject. Cause of lockdown
5 months ako nung nag pa inject ng, tapos mga 5-6 months lalaki na talaga baby bump mo dont worry momi basta healthy kayo ni baby ayos lang yan
tnanong mo sana yung oB mo diba ! ska bka masyado pa maaga para maginject alam nya yan wag mas marunong. sna tnanong mo sya kesa dto ka nagtatanong
Not all, me 3rd pregnancy ko na. Never akong inadvice ng ob ko for any vaccine. Routine laboratory and multivitamins lang.
Sa akin po 5 months po ako inject ng anti tetanus. Sa Initial checkup, Trans V at laboratory lang pinagawa sa akin
28weeks po ako nung nagpa inject. Di pa rin masyado malaki ung bump pag 3-4mons. Lalaki din po yan :)
Ako sis 3months and 6 months ako inenject ng OB ko anti tetanos daw po . 2x na po complete na ako..
ngaung 5mos unang turok ng anti tetano sakin, and ngaun lang din naging halata ang tyan ko.
Need po ba ung anti tetanus? Ako po kasi 27 weeks n pero wala po kahit anong injection
Sa lying in po kasi ako nagpapacheck ngayon. Wala naman po sila nasabi na need ko magpainject