145 Các câu trả lời

babyko ganyan din Nung 2months sya, 3months na sya ngayun nanunuod lang Ako nang mga pedia sa YouTube. delikado din Yan Kasi kapag tulog Yan pwedeng bumara Yan sa lalamunan nya dahilan nang di na huminga , gaya nang SIDS Yung ka team June ko , 1mnth lang baby nya sa kanya Nung nakatulog na daw nya nakuha lang sya sinampay pagbalik nya di na humihinga anak nya Wala daw Malay pero mainit pa kaso Nung nirevive Wala na daw talaga nakalagay dun Pneumonia Kasi Yung laway or gatas once masamid Ang baby at malas na napunta sa Baga , virus na daw Yun sabi nang Dr. Kasi Ang lungs nang mga baby di pa daw matured very sensitive. Kagaya ko lastyr June din Ako nanganak, 1mnth lang din sakin babyko 2ndborn ko sya, pinadede kolang sya nun , Hindi Yun nasasamid firstime lang nya masamid ha Ang nadede sakin isang samid kinarga ko tas pinadede ulit nasamid na Naman pangalawang samid nya umiyak nang sobrang lakas pasigaw 30 mins bago tumahan Nung tulog na sya napansin ko may kakaiba hirap huminga at Nakita ko Yung sign nang Pneumonia about dun sa paghinga kaya Nung dinala namin sya agad sa hospital, Wala 2days lang sya iniwan nya din kami 🥺 Ang findings Aspiration Pneumonia, Yung gatas napunta sa Baga . tapos nanganak na ulit Ako nitong June ulit , Yung trauma samin mag Asawa Hindi kami makatulog para lang maingat na . Nasamid Yung newborn baby tas may tunog Yung hinga,namin takbo agad kami pedia sabi laway daw Yun nakabara lang or gatas kaya may halak . Pag may halak daw need lang padighayin di baby kargahin lagi nang nakapatayo para maalis Yung laway .

bigla ako kinabahan kasi halos ganyan ang anak ko

Scientific based po normal lang na mag laway ang bata dahil hindi pa po fully developed ang swallowing at muscles nila sa mouth. Wag po kayo maniniwala na pag maaga naibangon magtutulo laway po. Nurse here

naglalaro nga ng laway baby q 2 mos. plus palang sya... sabi ng pedia is normal lang paglalaway ng babies...

same here 3 months na din baby ko naglalaway din pero nung 2months half sya nag umpisa ang paglalaway nya then nagbago ugali nya patayo na sya magpakarga ayaw ng pahiga..

same miieee

VIP Member

ganyan din po baby ko 3 mos din po siya 6.4kg pure bf grabe rin maglaway, gusto lagi nakaupo at tayo na ayaw ng pahiga. binilhan po na po namin ng baby carrier kasi kaya niya naman na po ang ulo niyang itayo ng matagal kaso grabe po maglaway kaya lagi siyang may bib tsaka lungarin siya at sinukin. #firsttimemom

same here po..nakakatulog na rin ng ayos..di na puyat masyado😅

Nangyayari din ito sa baby ko, nabubulunan sa sariling laway habang tulog kaya nagigising siya tapos parang hirap na hirap buti at gising ako palagi kapag nangyayari yun kaya naibabangon ko siya agad kaya worried ako kasi paano kapag nangyari yun ng tulog ako 😭 hindi ko siya tinatagilid ng tulog kasi mas safe daw ang nakatihaya lang kaso ayun nga nabubulunan pa din siya kasi yung mukha niya hinaharap niya, paano kaya magandang gawin?n

3months n din kambal q, nglalaway nga sila ngaun npansin q sabi normal lng dw un sa ganito month nila, pero thank god po di sila nsasamid sa laway nila pg tulog.. kc parang nkktakot nga.. nsasamid lng sila minsan pg breastfeeding kc lumlakas gatas.. thank u lord kc healthy nmn kambal q. 😘😘

VIP Member

Nung nag pa check up kami ni baby sa pedia may isang lola dun ng patient nakita nya patayo ko kinarga si baby kasi un talaga like ni baby dahil nung time na un umiyak si baby sabay sabi ni lola wag ko daw ganun ang pag cuddle kay baby kasi magiging tulo tulo laway. Kaya napasabi pa ako nun na hala sana wag naman. Thank God 1month and 11days si baby ngaun hindi ko pa sya nakikitaan ng excessive ung pag lalaway nya

mga 2 months Yan mommy

Mga momshie di naman po sa wag tayo maniwala sa matatanda, kasabihan lang po yun na pinaaga ng tayong karga kaya panay tulo ng laway. Its common for baby po yun , nagdedevelop na swallowing nya or hindi pa nagdedevelop kaya ganun po. Kasi kung paniniwalaan nyo mga kasabihan ng matanda, yung development naman ng muscle ni baby ang mawawala at physical attachment nila sa inyo..

same mom's 😅😅 3months na din Lo ko.. actually nagpapatubo na syA Ng ipin sa baba Sabi ni mama bagang daw pero tomorrow since check up nya sa pedia nya itatanung ko na din if true na nagpapatubo na ng teeth 😅😅

my baby ❤

Dahil po yan sa dila nila mamsh, dapat po nililinisan yung dila nila kasi mahirap napo tanggalin yung gatas kapag po pinababayaan lang. Gumamit po kayo ng malinis na tela tapos lagyan nyo ng maligamgam na tubig tsaka nyo ilinis sa dila nya. May mga times na nalalagkitan sila or hindi masyadong dumedede dahil din yan sa lagkit, at kaya rin po sila naglalaway.

Hi mommies!! April po ako nanganak, bago matapos ang June patak patak nalang, then month of May, may dugo po ulit ako pero ilang araw lang. Di ko na po alam kung regla na ba yon. Tapos ngayong July po nagkaroon ako 2days spotting, then 3rd day po mejo lumakas. Regla po ba yon? Or dahil lang sa pag breastfeed ko? EBF po ako. Thank you!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan