Piece Of Advice

Hi mga momshie, 8 months pregnant na po ako and meron po kasi akong iniisip na nagpapabigat ng loob ko. I just want to share po para maibsan yung guilt na nararamdaman ko and sana pag nabasa niyo and may opinion kayo sana po sabihin niyo? Bale last 2 months bnigay na ng company ko yung maternity benefit ko sa Sss. 30k po sya mahigit. Nung una ayoko pa galawin tlaga yung pera gusto ko ilaan lahat sa panganganak ko. Iba pa po yung tinabi namin na 13th month naming dalawa ng partner ko. Pero naisip ko kasi sobrang dami naming kulang na gamit sa bahay. So unti onti namili ako. Ngrerent lang po kasi kami ng partner ko at nagalaw ko na nga din yung pera dahil di na ako pumapasok sa trabaho so wala akong sahod. Andun yun feeling na ayaw kong galawin kasi what if ma short kami pagpanganak ko. Pero naisip ko din nmam kasi na pag lumabas na si baby mahihirapan na kami mkabili ng mga gamit. Kasi as in maraming kulang. Mula sa mga gamit pangkusina at iba pa pati po mga gamit ni baby nabili ko gamit yung pera. Good thing nman po na araw araw ko nkikita yung mga pinagkagastusan ko. Katwiran ko sa sarili ko hindi ko nman kasi winaldas. Ibinili ko nman ng bagay na pkikinabangan namin at ni baby. Pati pang vitamins ko at check up, laboratoty lahat lahat. Lalo na pag hindi pa sahod ng partner ko. At nagulat na lang ako isang araw na 11k mahigit nlang siya. At yung nagpapabigat ng loob ko gusto ko bumili ng phone dahil wala akong sarili ko. Sa partner ko po yung gamit ko so pumapasok sya sa trabaho na walang dalang phone. So umorder po ako online ng phone, hindi nman po sya msyadong mahal. Wala po kasi kaming communication so pano pag nanganak ako, iniisip ko pano ko sya kokontakin. Naguguilty po ako. Andun yung feeling na iniisip kong pera yun dapat para sa anak ko eh bakit ibibili ko ng phone? Tapos yung isang side naman ng isip ko nagsasabi na okay lang yan kasi sasahod pa nman partner mo (nagtatabi din po kasi ako kahit paano mula sa sahod niya) at may philhealth naman ako na mkakabawas sa bill namin. So ano pong tingin niyo sa ginawa ko? Sobrang sama ko na po ba dahil dun. Sana mapansin niyo po to. Salamat.

11 Các câu trả lời

VIP Member

Yun lang ang mahirap sis kapag hawak na yung pera kaya much better wag magbrowse ng mag browse sa mga online shop para hindi natetemp bumili, saka mas maganda sana kung gamit na muna ni baby inuna mo bago ibang gamit sa bahay dahil yung ibang gamit pwede pa bilhin sa ibang araw or kapag may extra na pero yung gamit ni baby dapat nakaready na lalo na malapit kana rin manganak. Pero since nagastos mo na, wala kana rin naman magagawa kung hindi buoin ulit yung pera na dapat pampanganak mo. Saka wag mo iisipin na may darating pa namang sahod hubby mo kaya okay lang gumastos, dahil mas mahirap magahol sa pera kapag kailangan mo na. Mas maganda pa rin na nakatabi na yung pampanganak at magpasobra ng kahit kaunti para after mo manganak doon ka mamili ng ibang gamit sa bahay. 8th months preggy na rin ako hehe for cs ako ng last week of may or first week ng june, maswerte ka na nag cash advance company nyo para sa sss, ako after ko pa manganak doon ko pa makukuha kaya ang inipon namin is sahod ko at kita ng asawa ko lang kaya. Buti nakabuo kami ng 38k kasama last pay ko bago magleave kaya (dapat 45k pero bumili akong mga gamit at nagbayad ng mga bills this month para wala ng iisipin kapag manganganak ako), yung cellphone gusto ko rin bumili dahil hindi nako bawal sa smart phone pero flip phone na muna binili ko yung tig 700 basta nakakapagtext at nakakatawag okay na. Magtyatyaga muna ako sa ipad namin ng anak ko 😅 tipid tipid muna momsh. Mahirap mangailangan ng pera ngayon, lalo na mas mahirap mangutang. Dagdag pa sa iisipin.

nanganak na po ba kau mommy? sa palagay ko po ang unang dapat i-consider nyo po ay kung magkanu ang package ng normal at CS delivery kung san kau manganganak. like kasama na ung bawas ng philhealth. para makita nyo magkanu dapat matabi sa panganganak. ang itabi nyo po ay pang CS rate hindi dahil gusto ma CS pero para in case na emergency CS ay may natabi po kau. pag normal po, praise God at least may sobrang pang gastos po kau. kasi ung sa phone po mahalaga un kaya dapat bilhin. pero ung mga need sa pag luto at mga new born essentials na di super dami ang unahin nyo po. after manganak na po kau mamili ng ibang gamit pag may sobra sa pera. mahirap kasi kung san pa hahagilap kapag nanganak na po. ayun po hoping for a safe and normal delivery. healthy mommy and baby po! :)

sakin po, una check up ko plang sa OB, ask ko na hm un package ng normal at CS, sympre ang iset natin n savings is for CS kasi hindi mo rin tlaga masasabi..same nman kmi my work so nkakapagtabi kmi kahit papano at bumibili onti2 ng gamit..one thing for sure, kung hindi ganun importante wag bilhin. ang basehan ko ng gano kaimportante is "ok lang ba, mgsusurvive ba kmi na wala to", kpag keri lang, khit gano ko pa kagusto, hindi ko binibili. Isa pa, bukod sa savings nmin pra kay baby, my personal savings ako na kaya icover kahit ma-CS ako, so hindi ako ganun ngwworry khit di nmin maMeet goal nmin n ipon, kc my back up fund ako..ang susi jan is "control", ako kasi yung tao n mas masaya nkikita my ipon sa bank kesa bumili ng kung ano2 para sa sarili ko.

VIP Member

sakin po oks lng naman po kc s pangangailangan naman po un ni baby ndi naman po sya matatawag na wants bagkus need po un iba po ang want over need. ngaun po kung s plagay mo ndi na kau aabot s budget pra s panganganak pwede po po iconsider ung manganak s mga public hospital. may friend aq n 8mos. n sya buntis tpos ndi aabot ung pera bya s pnganganak khit normal delivery lumipat sila s public hospital dun cla nagpa check up at dun n dn nanganak

sis, nakuha ko nadin sakin pero hindi ko ginalaw yung maternity. nagtabi ako ng nga 10k pra sa hosp kasi lying in lng naman ako. yung 32k na galing sss yun yung panggagastos ko sa 2months ko. yung mga gamit ni baby more on hand me downs. wag ka maxado bibili kasi marrealize mo mas importante na mag prepare ka sa fees sa hosp. mas masakit sa ulo kung wala ka pambabayad dun sis. haha. yung gamit ni baby madali nlng yun pagnakalabas kna ng hosp.

Para sakin di naman siya masama. As long as magagamit mo naman siya at mapapakinabangan why not at kung di naman kamahalan. Wag kana masyado magisip. Gamitin naman na talaga yung phone. Wag lang muna talaga yung talagang mamahalin na phone. Yung tamang magagamit mo pantawag at pantext. Kung limitado kayo sa pera, bilin niyo lang yung mga pinakaimportanteng bagay na talagang mapapakinabangan ng pangmatagalan.

Salamat po🤗

para sakin mommy ok lang naman yung ginawa mo kasi para din naman kay baby yun. kung 8 mos ka po ngayon pwede ka na po mag.ask ng package sa hosp na pag.aanakan mo.magtabi n po kayo n pang CS na budget para kung sakali. may 1 month pa naman po kayo para maghandaan. gudluck mommy. 8 mos na din ako.have a safe delivery satin. wag kn masyado mag.isip. Godbless.

Better prepare an amount na lang din sis na pang CS kung sakali. Private Hospi ako. Induced CS. Umabot kami ng 140k. Much better na unahin na muna ang mas importante talaga. Yung tipong maapektuhan talaga kayo if hindi pa rin mabili. Pero kung pwede namang later lang, wag madaliin. Have a safe delivery Mommy! 😊

VIP Member

Mas okay muna sis kung magtatabi ka ng pambayad sa hospital, mas mabigat na problema kung bigla biglang may emergency na babayaran. then yung extra money yun ung gamitin mo para sa mga gusto mong bilhin, ganyan kasi pag buntis lalo pag nasa bahay lang, kung ano anong gustong bilhin o gawin.

TapFluencer

mas maganda na nakatabi ang pera at gamitin kung saan talaga laan.. mahirap lalo na pag hawak mo na.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan