may ganyan tlga momsy kc yung mother nang partner ko gnyan dn. Lagi nya tinatanong Kung kmusta na pakiramdam ko kung Wla pa dw ba nsakit sakin kc 32 weeks plang nmn ako lagi dn ako snsabihan na mag ingat tapos gusto nya pnga na pag nanganak ako dun ako sa knila. para maalagaan nila ako pti baby nmin Okay lang nmn sakin yung ganun atleast alam ko na concern sakin Mother nya mas nkksma kc nang loob momsy Yung maramdaman mo na wla sayong pki alam yung mother nng partner mo.
Siguro sis nag-aalala lang din sayo yung mom ng hubby mo kaya ganun. I think personally okay lang na kamustahin ka diba, kasi it means that they care for you. Natural lang din na magsasabi yang mga yan ng bawal, mga ganyan. Siguro set boundaries na lang din and share mo sa hubby mo nafefeel mo. Baka naooverwhelmed ka kasi kapapanganak mo lang and syempre, di madali yun tapos bombarded ka kaagad ng mga comments ng parents mo and nung parents ni hubby. Maybe you need some space.
Mommy kagaya din po kita, ang parents ng husband ko ay parehong nasa korea tapos madalas din naming silang ka Video Call at lagi din nila ako kinakamusta, sa tingin ko naman po wala naman pong masama don 🤗 ako po natutuwa pa kasi lagi nila akong kinakamusta at alam kong excited sila sa apo nila. Kaya okay lang po yan, wala naman pong masama kung kamustahin ka nila, yung iba ngang mother in law walang pake eh, kaya maswerte pa din tayo 🤗
Hala, wala naman masama ginagawa ung MIL mo swerte mo nga pinaparamdam sayo na importante ka! Tama lang na magalit sayo asawa mo unang una magulang niya un tapos ginaganun mo kung mahal mo asawa mo mahalin mo din magulang niya kahit masama pa sila! Pero ikaw swerte mo! Ganyan ang mga tao na pinapahalgahan ka! Pinapayohan kc sa kanila kc mas may experienced naman sila sayo! Instead na magalit ka bakit hinde ka magpasalamat!
Alam mo mamsh ang swerte mo kasibmay byanan ka ako kasi wala na sila patay na. Ganyan na ganyan ung nanay ng ex ko araw araw tumatawag sa akin un lagi nanganganmusta ano na kinakaen ko daw. Basta ganyan na ganyan ang kaibihan lng d ako buntis that time., nakakainis minsan pero intindihin mo nalang matatanda na eh naeexcite lang sila siguro na makita apo nila. Maapreciate mo din balang araw ang byanan mo.
masyado lng po siguro na eexcite c lola makita c apo,,wag mo masyado masamain ung pagaalala nia sau,,maswerte k nga ganyan byanan mo,,samantalang sken halos itakwil ako nung ng buntis ako sa panganay ko,,araw2 mura naririnig ko ichichismis kp sa kapitbahay khit ala k nmn ginagawang masawa,,be thankful ate kc love k ng byanan mo nagaalala sya sau at sa anak mo,,iba kc feeling n makikita nila apo nila,,
Isa ka nga sa mga masuswerte dahil concern sayo yung in-law mo po. Natural po nauna sila sa duyan sayo, natural lang din may mga sinasabi silang mga bawal po. Wala naman masama kung susunod ka. Kung ayaw mo rin sundin wala din naman problema. Baka mahalata kapa nila na lumalayo ka sa kanila. Sila pa nga lapit ng lapit sayo. Wala ata sa in-laws mo yung problema po nasa sayo talaga.
Aaw. Buti nga syo may care lagi ka inaalala momsh ako since na buntis ako di ako nakarinig ng pangangamusta nasa magkabila brgy. Lang kami. Pero sabi ng mister ko kinakamusta naman daw ako sa kanya.. Pero not sure kung maniniwala ako. Pero yung personal na kamustahin ako wala manlang 🤣 nakakasama lang din ng loob. Pero di ko na dinadamdam mahalaga mahal ng asawa ko anak namin
Ndi b prang OA? Kc to the point n araw araw pag may VC cla ng asawa ko lage ako hnap tpos ung mga bwal nga ssbhin nya. Ndi kc ako sanay n ginaganun ako. Tpos gusto nya umuwe kmi dun sa knila khit n gntong may virus.. Ttnung sya everytime n magkausap cla ng asawa ko n kelan kmi uuwe.. Kung ipapasundo nb kming tatlo... Prang ndi sya mkaintindi n ayoko ibyhe muna ang anak ko ganito.
Buti ung Nanay ng Lip ko ang caring nya 😊 Minsan pa nga binibilhan nya ako ng Manga or saging ee 😊 For me ang sweet lang kapag pinagsasabihan nya ako n O wag ka nagpapagutom paglabas ng anak mo payatot yan . Concern lang naman kasi sila , pero sa iba kasi parang nakaka irita ung ganun lalo kapag buntis iritable talaga 😊 respect nalang siguro
Anonymous