Temperature 38.7 C°.
Mga momsh tanong ko lang if normal lang po ba na yung temperature ni baby is 38.7 C°..3 days old palang po sya,pinaligoan kasi namin kanina then ngayong hapon lang ganyan temperature nya..maininit din po kasi panahon ngayon..sino po naka experience ng ganito?if normal lang po ba ito..FTM.. salamat sa sasagot🙂
Hi mamsh. Masyado mataas if sa mainit Lang na paligid nya yung cause. Hindi po normal for newborns na maghigh grade fever. For peace of mind, paconsult nyo po sa pedia. Monitor and record din po ang temperature ni baby every 4 hours. Wag nyo po masyado balutin and let him/her wear loose comfortable clothing. And breast feed po Ng breast feed wantusawa baka dehydrated po sya.
Đọc thêmnope hindi normal sis. mataas po.. tama lng na pinaliliguan siya sis. wag n lng balutin masyado si baby para sumingaw init katawan nila. kung hanggang bukas may lagnat p rin. seek consultation na po sa pedia.. kahit online.. punas punas din po sa leeg, singit, kili kili para bumaba lagnat..
Thank you po sa sagot momsh..sige po,observe po namin if baba paba dahil .2 lang ibinaba nya..sige momsh gawin ko po ying pahid-pahid sa kili2,singit at leeg nya po..thank you po talaga,big help po sakin na first time mom.
Nung 3days old si LO ko ganyan din body temp.nya so nagtxt ako sa Pedia namin kasi ung araw sa bahay talga namin tutok lalo kapag afternoon kaya sobra init. So sabi ni pedia dhil nga daw sa init. Kaya ayun nagpakabit kami ng aircon. Kaya kapag aalis kami kotse kasi pra iwas init.
Oo nga po momsh..tutok din araw dito sa bahay namin kya nag iinit din sya kapag afternoon at saka kapag iiyak sya momsh pag di mkadede masyado sakin..CS kasi ako kya medyo nahihirapan pa ako but now ok na..napapadede ko na sya..baka pakabit din kami dito ng aircon sa sala..sobrang init talaga,di kaya ng electric fan lang..hehe,thank you sa sagot momsh🙂🙂
nung 3 days old pa lang ung panganay ko nung nilabas siya sa nursery at dinala sa ward room nilagnat siya 38 din sa sobrang init sa ward. tpos pinunasan lng nmin siya pra mawala ung init niya. pero if consistent na 38 parin yan kahit malamig na. pacheck mo na sa pedia niya.
Oo nga po dahil mainit din ang panahon..di naman consistent momsh na 38 lang yung temperature nya,bumababa din naman sa normal temperature 36.5 or 36.7 po..Thank you sa sagot momsh,big help po sakin to.
Baka ganyan din sakin momsh kasi di sya maka.dede ng maayos sakin eh..nahirapan kasi ako magpadede din kasi CS pero ngayon lang nahanapan ko ng paraan para mapadede sya ng maayos.salamat momsh sa sagot po..big help po sakin to na FTM🙂
Naranasan ko po iyan, 12 days old palng ang baby ko noon nilagnat din, dinala namin sa pedia niya pero ni-refer po kami agad sa hospital para i-confine...much better po na dalhin nyo sa doctor, maaaring sepsis po yan..
Thanks sa sagot momsh..wag naman po sana,38C° na temperature nya ngayon..observe pa namin,pag di pa din bumaba bukas..pa check up na po namin.
Nope 37.5 pataas mommy considered n My fever na po. npachek up nyo na po ba? ung eldest ko before nung bby pa tempra lang every 4hrs until mwala ung sinat.
Oo nga po..lockdown pa naman kami dito ng 14 days kaya nakakatakot din magpunta sa pedia lalo't newborn pa baby ko..bumababa na temperature nya momsh,feeling ko nga dehydrated fever yun kasi di sya makadede sakin ng maayos non momsh eh..thank you so sa sagot momsh,sige po..magbili ako ng tempra just in case po.
medyo mataas po. observe nyo po si baby and monitor temp. bihisan din po ng presko. if mataas pa din po mas maganda to seek pedia's advise.
glad to be of help. 💙❤ hope magokay na si baby soon.
Salamat po sa sagot..ok na po baby ko,na dehydrated fever pala sya but now ok na sya..nakakadede na sya ng maayos.🙂🙂
Pa check up niyo si baby mamsh Di po normal ganyan ang temperature ng new born.
Yes po momsh..salamat sa sagot 🙂🙂
a mom with a rainbow baby