Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis 😭💔💔 hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

Tortured emotionally and physically
380 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Jusko,po ate!!!malinaw,na malinaw hiwalayan mo na yan jusko kuwawa lang kayo ng baby mo jan.sa hayup mong bf pisti na yan wala na pala silang malamon ganyan pa ang ugali!!!😡😡😡😠😠hiwalayan mo na yan!!!wag kang matakot maging single mom kaysa naman na makisama ka nga jan gingawa ka naman punching bag at ikaw,pa magpapalamon jan jusko ateeeeeeeeee kakagigilll!!!maaga pa lang talaga layuan mo nayan napaka,walang kwenta!!!magfocus kna lang jan sa baby mo mas may kabuluhan pa!!!!

Đọc thêm

been there than that. wag mo na hayaang gawin pa niya ulit lahat ng katoxickan na yan sis. igive up mo na. mas masarap sa pakiramdam makawala sa ganyang klase ng tao. same scenario lang tayo puro pananakit personally at foul words ang inaabot ko pero hindi ko siya pinapatulan, sobrang sakit oo pero mas mawawala lahat ng pain kung igigiveup mo ganyang klase ng tao. Let God do the rest of his karma, cos karma is digital magugulat ka nalang sa mga mababalitaan mo sa kanya.

Đọc thêm

kung ako sayu tatagan mo loob mo na wag nang bumalik sa kanya. . kasi nagagawa ka na niyang saktan noon anu oa kaya ngayun . . at wag kang mag alala na lalaki yung anak mo na walang ama kasi hindi lang naman ikaw ang may ganyan na systema na wala g ama ang anak . . atleast sayu may malaking dahilan kung bakit dka na babalik. . pero nasa sayu parinang huling desisyun mag isip kang mabuti ganyan ngang buntis ka pa lang batugan na anu pa kaya sa susunodlalo pag labas ni baby

Đọc thêm

LEAVE and dont EVER come back. Hihintayin mo pa ba na dalawa kayo ng anak mo na mabugbog? Or mawala yang anak mo sa tyan mo ng dahil sa gusto mo ng complete but not so happy family? Sayo na nanggaling, batugan sya, so wala ka mapapala sakanya, Ikaw na ang mag adjust tutal walang utak at direction sa buhay yang partner mo. Bigyan mo ng magandang buhay ang magiging anak mo, hindi man buong pamilya, atleast payapa, at magandang buhay manlang. Dont ever let the kid suffer.

Đọc thêm

The fact n nagpapaload pa siya sayo pangML niya is already sign of irresponsibility. Mga girls RED FLAG n yang ganyan. Clearly Wala n siya paki sayo. Huwag k n umasa na magbabago Yan kahit pa lumabas na anak nyo. You will get frustrated lang. Magpamedical ka and file a case. Then pag-usapan nyo n Lang Ang sustento sa bata. Easy for us to say.... Mahirap naman talaga sa parte mo. Pero Wala kang future sa ganyang lalaki. Kapag pinilit mo ikaw Lang lahat sasalo sa sakit.

Đọc thêm

ano ba yan. no offense meant po, pero kung ikaw magbabasa ng sarili mong post, sa tingin mo dapat bang tinatanong pa yan kung itutuloy mo yang relationship mo sa walang kwenta mong partner? the first time he laid his hand on you, you should have known the answer. tanga ka din e. don't reason out na kesyo buntis ka at gusto mo kumpleto pamilya, "para sa bata". that is BULLSHIT. sa ginagawa niya sayo parang wala siya balak buhayin kayo ng baby sa chan mo e.

Đọc thêm

Hindi tayo lahat perfect pero lahat tayo deserve ng respect. Sayo na mismo nanggaling na sinasaktan ka niya emotionally and physically, nai-stress ka sa kanya. I think alam mo naman na sa sarili mo ang dapat mong gawin since nakapagdecide ka na nga na umalis sa kanila. Hindi masama na mahalin mo sarili mo lalo na ngayon na buntis ka. Kayo muna ng baby mo. Based sa story mo, wala kang mapapala sa partner mo. Move on and be strong for you and your baby.

Đọc thêm

Hello po. Personal Experience ko po sa parents ko ito. As their child na naka witness kung pano saktan ng dad ko ang mama ko, nagiwan yung mga scene na yun ng malaking lamat sakin. Payo lang po, please don't let your child witness na ginagawa ka po na punching bag ng asawa mo. Kasi maaaring maisio ng bata na baka hindi nyo po siya mahal. Mahalin nyo nalang po yung anak nyo mommy. hayaan nyo nalang po yung daddy nya. alagaan nyo po yung anak nyo.

Đọc thêm

If I were you Hindi na ako makikipag balikan sa kanya. Since sayo Naman nanggaling na irresponsible at batugan sya well Hindi sya karapat dapat para maging tatay ng anak mo. Sis wake up walang kwenta Ang ganyang mga lalaki. Hihingi ng tawad tapos uulitin Lang din Naman mygod katangahan na Kung babalikan mo pa Yan. Sorry for my words ha. Concerned Lang ako as kapwa mo babae. Keep safe sis. Lagi Kang mag ask ng guidance ni lord. 💕

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ate wag mo ipilit ang sarili mo sa partner mo na walang pakialam sa inyo ng baby mo. Focus on your pregnancy and kay baby po. Dahil sa ano mang mangyari si baby ang naaapektohan sa nangyayari sa inyo. Hayaan mo sya sa ginagawa niya. Wag mo na bigyan ng chance kasi uulit at uulit yan. Try yo love yourself and your baby first. Iparamdam mo sa kanya na kya mo mabuhay ng wala siya. Stay strong for yourself and for your baby. Fighting !💕

Đọc thêm