380 Các câu trả lời
Sis.lahat ng nangyari sau ay kasalanan mo din po.hinayaan mo sarili mo na abusihin nya.anong hahabulin mo sa knya wala namang trabaho batugan nambabae nanakit pa.yan ba gusto mo makita ng anak mo pagkalabas nya.?minsam tayo lamg din gumagawa mg sarili nating problema.kya ka nya ginaganyan dhil alam nyang mahal na mahal mo siya.ang gawin mo ngaun alagaan mo sarili mo lalo na ang baby mo sa tiyan mo.diyan ka muna sa mga magulang mo o sa mga taong mktulong sau para maging maayos pagbubuntis mo.wag na mgpakatanga..isipin mo kinabukasan ng magiging anak mo.wala kang mapapala sa lalaking iyan kundi puro sama lang ng loob.huwag kna mkipagbalikan sa knya..layuan muna siya
sis wag ka sana ma ooffend ha. ok na sana ung nka alis kna doon sa poder nya pero bkit tinanggap mo pa sya ulit? alam mo nmn na grabi pananakit sayo diba? kung iniisip mo walang ama ang anak mo isipin mo din na mas lalong wala kayong future ng anak mo doon sa demonyo mong kinakasama. batugan walang trabaho puro ml, nambabae at nananakit, ano pa hahabulin mo doon? mommy anjan nmn parents mo tanggap ka kayanin mo para sa anak mo after mo manganak magtrabaho ka para ma provide mo needs nya. Wag mong balikan ang walang kwentang lalaki oo mahirap mommy ksi mahal mo sya. pero mas mahal natin ang sarili at anak natin. Kaya mo yan mommy pray ka sa panginoon🙏
So based sa kwento mo, sya ay tamad, sinungaling, lasinggero, walang kwenta, walang pera at NANANAKIT PA. Okay. So alam natin na he will never be a good provider. Do you think morally and emotionally he would make a good husband and father? Obvious na sagot dun. Wag mo nang balikan yung gagong yan. Hindi na yan magbabago. Magiging bad influence sya sa anak mo. If you stay with him, there is a huge chance na pati anak mo saktan nya. Run while you still can. Don't worry about your child. She or he is better off without a biological father like the SOB who hurt you. Things will fall into place. Btw, good job on deciding to go and congrats on your pregnancy.
same case here mga mosh,37 weeks 1day na ako ngaun pero di parin mawala sakin ung trauma n pag nagagalit ung partner ko grabeng pananakit inaabot ko lahit buntis ako hindi nya ako kayang pagpasensyahan kaya minsan naiisipan ko syang iwanan nlang para sa sarili ko pero naiisip ko ayaw kung magaya sakin ung anak ko maliit palang kami hindi na nmin alam ppa nmin kya naghirap kami ng husto ,inalipusta kami ng ibang tao minaliit at parang basura kung ituring kaya cmula ng nagkaisip ako pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko ang maganda ,maayos at kompletong pamilya sa mgiging mga anak ko..3months intil now nsasaktan parin nya ako pero iniisip ko nlang para sa anak ko
tama po. sis. u have to be strong. mas mbigat ang magiging kalalabasan kung hhyaan mong matali sa lalaki na sasaktan ka lang. think about ur future and your for your baby. God bless
Malaking aral po iyan sau..unang una ndi mo muna kilalanin ng maaus ung bf mo..may ganyan din aqng past bf na nakikita q pineperahan lang aq mas madalas kaya nakipag hiwalay aq tapos minura pq kc ayaw qna bumalik.. aral na po iyan na wag ka po bsta magtiwala lalo na di mo pa nmn asawa at sa susunod po wag muna hintayin na dumampi ang kamay sau pra mo nrin inalis na irespeto ka ng lalaki maling mali ka po tlga madami pong lalaki sa mundo na pde ntin kilalanin at kaya tau irespeto ng maaus tapusin muna po yan ngyong buntis ka wag mo iparamdam sa anak mo na may qlang sau sya nlng muna isipin mo mommy at pls magiingat ka po🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Naku momsh sana makinig ka sa lahat ng advice sayo dito. . dun pa lang sa sinasaktan ka sign na yun na di kna dapat pa tumagal ng ilan months sa kanya.. oo andun tayo sa nalockdown ka pero sana di mo na pinaabot ng 3months na sinasaktan ka, humingi ka sana tulong sa brgy para ma blotter at magwan paraan na maalis ka sa kanya. Nakakagigil mga ganyang lalaki. Pwede mo yan kasuhan. Pa Tulfo mo. Sana wag kna pumayag sa kung ano na namang pagsorry o mkaawa nya sayo.. mga ganyang lalaki di na binibigyan ng pagkakataon pang muli.. magfocus ka na lang sa baby mo. Kaya mo yan kahit wala sya.. alagaan mo sarili mo.Total nasabi mo naman na batugan din yun.
Hindi mo na dapat tinatanong kung makikipaghiwalay ka o hindi, sinasaktan ka na nga at binabalewala bat mo pa sya iintindihin? Grow up, you sounded immature, underage ka pa ba? Kasi if you have a sound mind then alam mo na hindi tama yung physical, emotional and mental abuse sa relasyon, sad to say pero sobrang totoo na once sinaktan ka physically ng lalaki then he doesn't love you as you thought he did... Move on na... wag ka maghanap ng ibang lalaki, mag focus ka sa sarili mo, love yourself muna and then love your child... hindi kawalan yung mga lalaking wala na ngang ambag sa lipunan, nananakit pa ng taong nagmamahal sa kanila...
Same. Tingin ko din bata pa yan eh. Mga batang natukso agad. Hindi ko alam pero galit na galit ako sa mga ganyang klase ng tao, mga pabigat at pahirap sa magulang. Mag papabuntis ng maaga, sasaktan, saan tatakbo sa magulang. Nakakasuka pag iisip ng mga bata ngayon. Akala nila madali ang buhay, mga nagmamadali sa buhay. Akala nila laro lang ang pagkakaroon ng pamilya. Sa nag post neto WAG KA NA MAGPAKA TANGA. REAL TALK LANG. WALA NG COMFORT WORDS. MAG ISIP KA. WAG MO NA ILUBOG LALO SARILI MO. MAAWA KA
If nung una palang na napagtaasan ka niya ng kamay sign na yun na hindi ka na dapat mag tagal sa kaniya, kahit pag taasan man lang ng boses maling Mali na,saktan ka pa kaya, isipin mong maigi anong magiging kinabukasan ng magiging anak niyo Kung ipag papatuloy niyo pa Ang relasyon niyo, may stay nga siyang kinalakhan puno naman ng takot nararamdaman niyo kasi buntis kapa nga Lang nabubugbog kana what more Kung maisilang mo na anak niyo, kaya mommy think a million times if worth it ba na makipag balikan ka sa kaniya, mag patawad okay pa pero Yung bibigyan mo siya ng chance na maulit muli Yung ginagawa niya sayo katangahan nayun.
Momsh wala ng tanong tanong, tapusin mo na. Hindi worth it eh. Walang ka kwenta kwenta yung lalaking yan. Wala kang future. Mas mabuti pa na ikaw na lang mag isa mag palaki sa anak nyo. Piece of advice, idemanda mo yung lalaki. Sa panahon ngayon dapat tayong mga babae matapang na din. Hindi tayo dapat inaapi o sinasaktan. Momsh tandaan mo BABAE KA. Wala kahit sinong may karapatan na saktan at paiyakin ka. Stay strong momsh, tandaan mo nandyan lagi si God para saatin, magdasal ka na magkaron ka na ng piece of mind, at makayanan mo malampasan pagsubok sayo. Trust God's plan. Momsh you will go through this. God bless you! ❤️
Sis, batugan na nga yang partner mo ang lakas pa ng loob manakit. Wala kang mapapala dyan. Kung makikipag ayos ka sa kanya at titira ulit sa iisang bahay kasama siya then trust me it will be repeated cycle over and over again. Ikaw lang makakaoag decide sa magiging sitwasyon mo: free yourself from so much misery or get the respect and life you deserve without him. Oo mahal mo siya pero kaya mo ba maging masaya dahil yun lang panghahawakan mo? Focus ka na muna sa baby mo. Di nakakabuti yung stress sa buntis. Mas mabuti ng mawala yang partner mo wag lang ang baby mo. Di ikaw ang mawawalan at di siya malaking kawalan sayo.
Tua Bernadette