Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis 😭💔💔 hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

380 Các câu trả lời

VIP Member

Miss, I think mas better na maging single mom ka kesa ma stress kapa dahil sa isang lalaki na ginaganun kalang. You deserve better at pag na stress kapa lalo, masama na talaga kasi yung effect nyan sa baby. Don't ever feel na hindi ka worth it mahalin, wag na wag kang mag isip ng mga negative na bagay kasi when you're pregnant may effect yan sa baby. Magpakatatag ka, ikaw yung buntis, ikaw ang soon to be mom so have courage to choose your freedom even if it meant na maging ama't ina sa baby mo. God bless sa mga decisions mo, magiging owkay din yung lahat. Hindi ka nag iisa. Mag ingat ka lagi huh, wag ka myna lalabas kung hindi pa ga anong safe, mag vitamins ka palagi at if ever na naka pag decide kanang umuwi. Be sure na safe ka at hindi ka maeexpose masyado.

Dear Mami, sa to too Lang Kung kaibigan mo ako ma tagal na kitang inaway sa katangahan mo.. Minsan isipin mo worth mo, pls Lang. D MO deserve ang masapak.. D rin deserve ng baby mo ang stress.. But kapa nkipagbalikan? Ka tanga mo tlga, feeling mo mag chachange? Anu ka? D ka nga ni respeto buntis ka, ngayun pa Kaya.. Umalis ka sa relationship na Yan..jusko! Importante anak mo.. Give her a good environmnt.. Deserve niya Yan.. Bumalik ka sa family mong totoong nagmamahal sa u.. D MO kelangan ang lalakeng jusmio Kung itrato ka nmn basahan.. D kelangan ng Bata ng ama na wlang kwenta.. Kelangan mong mgpakstrong.. Pra sa baby mo.. Wag ka patalo sa Satanas na Yan.. Lumayo ka, start again,love urself and love ur baby.. Pray and let go! Again know ur worth!

Una palang na sinaktan ka,dapat umalis ka na.ang lalaking nananakit,uulit at uulit. Lalo na ung mga walang pagsisisi at walang pagbabago na ginagawa sa sarili. Hindi ko alam kung ano pa ba hinihintay mo at hindi mo pa tinutuluyan layasan. Dapat pa nga jan kinakasuhan. Ng di na makapanakit pa ng ibang babae. Batugan na nga,babaero pa. Sana maging lesson din ito para sa mga babae na sana,alagaan nyo naman ang katawan at sarili nyo. Kilalanin nyo muna ang lalaki bago kayo makipag sex. At kung makikipagsex kayo,gumamit kayo ng proteksyon. Ang hirap hirap ng buhay ngayon ,tapos ung kasama mo pa,mas pahirap pa sa buhay. Sana talaga sender malayuan mo na ang lalaking yan. Walang respeto yang lalaki na yan sayo.

momsh, u should know better.. ikaw yung nasasaktan kaya dpat alam mo kung itutuloy mo pa ba o hindi na.. kasi kung ibang tao tatanungin mo, hindi na talaga healthy yung relationship na ganyan lalo na't sinasaktan ka pa kahit buntis ka.. malaki ang magiging epekto ng stress lalo na sa mga baby na pinagbubuntis natin.. may possibility na magkaroon ng butas ang puso ng baby mo at mgkaproblema ka pa pag lumabas na sya.. isipin mo nalang baby mo momsh dahil sya ang magsasuffer ng lahat.. mas kelangan nya yung love and comfort mo kaya sa kanya mo nlang ibuhos lahat ng pagmamahal mo.. hindi worth it yung mga ganyang klase ng lalaki.. you deserve better! isipin mo nalang na hindi ikaw ang nawalan .. cheer up momsh

napaka baboy naman ng lalaki na yan.yun talaga tingin ko sa mga babaero.hayop. tapos sila pa may gana mangbaliktad. strong ang mga babae lalo na ang mga nanay, kaya alam kong kakayanin mo yan.umuwi ka kung san ka mas aalagaan.prioritize mo ang baby at sarili mo.wag na wag mo ng balikan yang demonyo na yan.wag ka na din makipagcontact at puro stress lang dala sayo nyan.iopen up mo din sa mga magulang o kapatid mo.maghanap ka ng outlet/mapapagsabihan. dapat nga nakasuhan mo na yan sa pangbugbog sa iyo.yang ganyang klaseng lalaki ang dapat madapuan ng sakit at mawala na sa mundo ng di na dumami.ang harsh ko na pero sobrang nakakagigil e.ingatan at mas mahalin mo sarili mo please, you deserve better.God bless.

Dami ng red flags sis, sa pananakit nya palang considering na buntis ka maling-mali na e. If may evidences ka na magpapatunay sa pananakit nya sayo, ipa-brgy. mo sya malakas laban mo sa ganyan lalo na't buntis ka. Kahit saang anggulo tingnan hindi sya worth it ipaglaban. Be strong para sa anak mo. Mas magandang lumaki nalang syang walang ama kesa ganyan lang sya maeexposed. Di lang ikaw mahihirapan pati anak mo. Wag kana bumalik sa taong yan. Di sya dpat panghinayangan. Tsaka as u said sis, batugan?! Ano yan ikaw magpapalamon sa kanya?(sorry for the term pero walang balls yang partner mo). Naku! if ayaw mong maging living hell buhay mo, get out of the situation. Run while u still have the chance.

once is enough two is to much kapag isng beses ka lang sinaktan hiwalayan mo na anu ba meron s bf mo at ayw mo iiwan?? bumalik ka pa hankung ako kapatid mo gigil ako sayu buntis k na nagpapasakit k pa physical hindi mo b inisip ung anak mo na nasasaktan baka magsisi ka kapag yung anak mo ang nawala bgo mo pa nrealize na hindi na tama yang gingw ng bf mo, dami talaga tangang babae s mundo kakagigil kaoag ganito nkikita kong post obvious namn n sinsaktan ka na babalik ka p, cge bumalik ka pa kapag namaty ang anak mo dahil s stress ewan ko lng kung d ka magsisi letcheng pagibig yan, ayaw.iiwan kac? gwapo? masarp letche, hihingi ka ng advice s amin tpos hindi mo susundin edi useless lang din,

Yung lip mo gustong gumawa ng scandal sa ibang babae. Ibig sabihin ba nun sex video na ipapakalat? Sis, manyakis yan. Yung ganyang lalaki dimo na mapagkatiwalaan ipagkakatiwala mo pa sa anak mo? Pano kung babae ang anak mo? Sis, alam naming mahirap lalo na emotionally pero kaya mo yan. Para sa anak mo. Mas masaya magkaroon ng happy, healthy and secured na baby. Lumayo ka na diyan. Kung ako lang, diko na bibigyan ng karapatan yan. Diko ipapaapelyido anak ko diyan. Stay healthy and think of the well being of your baby. Kaya mi naman buhayin mag-isa. Makakahanap ka rin ng lalaki na magmamahal sayo, mag-aalaga sayo. At tiyaka di mo naman kailangan ng lalaki sa buhay mo. Hayaan mo na sila.

i guess girl yan ng bf u sis gamit lang account ng bf u or maybe he is your bf chatting you with non sense at tanging mapapayo q lang sa npkaimature ng lalaking yan mas lalo ka mahihirapan kung pagpapatuloy mo pa relationship mo with that stupid guy. Motivation lang toh sis, maraming single mom na niraise nila magisa anak nila kesa nman magstay sa relasyong wala patutungohan. Pray lang sis. I knw this is not easy for you to decide especially may dinadala kang baby but i promise kung iisipin u na lang maging baby mo at wag ka pakastress jan sa mokong mong bf sure aq gaganda buhay mo with ur little angel na isisilang 🥰 Kapit lang kay God ok... that's number one you have to do...

Kaya naGtatagaL mga babae sa abusive relationship kc umaasa pa cLa na na magbabagO pa anG mga jowa ,LIP, husband niLa na magbabago. Mga momsh paG anG LaLaki naumpisahan kana Saktan sapukin at waLa kanG ginawa. NaG sorry pinatawad Mo. Naku Sa susunod na pag tataLo Nyo mas maLaLa na anG aabutin mO. MasasanaY na yan kc alam nYa na mahina ka. Hintayin Mo na mapatay ka nyan. Wag kana umasa na maGbabagO yan.mahalin mo sarili mo at baby Mo... Know ur worth 😊 kung mahaL ka ng LaLaki ndi ka sasaktan Ng ganyan. Permanente mo ng alisin sa buhay mo. Tapusin mo na kwento nyo. Wag mo na bigYan ng pagkakaTaon uLet na Masaktan ka. Kc paG nangyari pa un Ewan ko naLang sayu. Gusto mo na yan.

Câu hỏi phổ biến