Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis 😭💔💔 hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

380 Các câu trả lời

VIP Member

Nasayo pa rin yan sis. kase sis kahit sabihin ko at ng nakararami na wag mo ng balikan kung mahal mo pa rin at kailangan mo sya wala rin nmn kaming magagawa. lalo na buntis ka napakahirap ng sitwasyon mo kase ako nga na okay ang asawa ko nahihirapan pa din ako. kase pag buntis madaling magalit madaling masaktan, madaling umiyak at madaling mastress. kaya kahit sabihin ko na wag ka umiyak wag kang malungkot at wag kang magpaapekto alam kong maapektuhan at iiyak ka pa din kase ganyan ako. ganyang ganyan ako kapag nagkakaproblema kami at feel ko nadodown ako iiyak ako ng iiyak at masstress kahit pinapayuhan nila ko kase nakakasama daw wala ganun pa din iiyak pa din ako. kase no one can tell how much it really hurts except they experience the same situation. at gusto ko ishare sayo na nagkaroon din ako same situation sayo bago naging ok ang asawa ko pero di nmn sya ganyan na katulad na katulad na araw araw ganyan. nagkaron lang ng pagkakataon na nasaktan nya ko at buntis ako nun sa una naming baby. nasaktan nya ko at bago yun 1 week nas kaming puro away at nagwowork pa ko nun as in halo halong pagod at stress ininda ko lahat yun. inisip ko lahat. ginawa kong miserable buhay ko without knowing na pati pala yung baby sa sinapupunan ko ganun na rin na naapektuhan ng todo mag 3 months na sana sya bago sya nawala. kaya sana ikaw kahit na alam kong napakahirap nyan para sayo sana isipin mong may isang anghel sa tummy mo ang magbibigay sayo ng lakas para harapin lahat ng problema mo. kapag nalulungkot ka himasin mo tyan mo. kapag naiiyak ka isipin mo nlang yung happiness na mararamdaman mo pag yung baby mo narinig mong umiyak pag nanganak ka na. alam ko rin na hindi yan magiging madali na maging single mother pero isipin mo nlang na maraming pwedeng tumulong sayo. wag mong sayangin yung blessing na binigay sayo ni lord ng dahil lang sa walang kwentang bagay at tao. maraming pwedeng pumalit at dumating na mas better. pero kung mahal mo tlaga at di mo kayang palitan hayaan mo muna sya sa ngayon palamigin mo muna yung sitwasyon para sayo at sa baby mo. hintay ka lang malay mo magbago. sobrang sakit mawalan ng baby sis at ayoko ng maranasan ng iba yun. para akong mababaliw. sobrang sising sise ako. kaya sana lahat gawin mo para ingatan yan. anayways nagka 2nd baby kami at salamat sa dyos buhay sya at healthy pagkalabas. yung month at araw na nakunan ako yun yung araw na naipanganak ko yung 2nd baby ko. at malay mo mangyari yan sa boyfriend mo kung worst sya ngayon kung hahayaan mo muna sya malay mo pagkapanganak mo matuto na sya at mas maging better. at kung wala na tlagang pag asa sa inyo may dadating yan na mas better para sayo.

Para straight to the point hindi ko na ififilter yung sasabihin ko sayo. Dibale nang masaktan ka total nari nagtatanong ka naman. Sabihin ko na sayo totoo. 1. Gano katagal mo ba siyang nakilala at nagstay ka sakanila until nalockdown ka? 2. Anong naisip mo at sa sandaling panahong kilala mo nakipagsex ka at nabuntis ka? Lalo na kung nakikita mong ganyan trato sayo? 3. Araw araw kang hinihingan binigay mo. Galing sayo yan. Choice mo yun. Nagtataka ka pa ba bang sobrang spoiled abuso niya? E sinasaktan ka na nga binibigay mo parin? 4. Gusto mo parin makipagbalikan???????? Hindi excuse na nalockdown ka sakanila at hindi ka makaalis. Wala ba mga magulang niya at walang pumipigil? Kung andun sila at inaabuso ka, di ka pa ba nagtaka na pinababayaan nila? If I were you, unang beses palang na may gawin siya sakin lalo na buntis ako, magsisisigaw ako at tatakbo ako palabas sa barangay para lang makaalis dun. May cellphone ka, bakit hindi ka nagpost para marescue ka at kumalat ang post mo para kahit lockdown nakaalis ka sakanila. Buntis ka. Pero hindi ka naman siguro nawalan ng utak. Nakapagpost ka nga dito e. Yung paghingi ng tulong dami daming page na pwede kang nakahingi ng tulong di mo nagawa? At hanggang sa nakauwi ka may balak kang makipagbalikan? I'm not even going to apologize for what I am going to say. Lahat ng nangyari sayo, ikaw ang pumili. At higit sa lahat dinamay mo pa yung baby niyo. Magising ka sa katotohanan. Nanay ka na. Andyan na yan. Wag kang tanga.

Ang lesson dito,kilalanin muna ang lalaki mabuti. Wag ibigay agad agad ang sarili. Tandaan na walang mawawala sa lalaki. Pero sating mga babae,maraming mawawala.

Sis,kong ako sau,d bali ng singlemom ako kysa ganyan maksma mo habang buhay,,no,no,no,,,never!!at anglalaki unang una alang never k sasaktan physicaly kong matino yan,,at 2nd,dapat ndi k muna nagpapabuntis sa gnyang bago mo p lang na meet up..wla namn masama khit saan ko p yan nkilala,kami nga ng hubby ko sa Fb ko lang din yan nkikita,pero bfore ako nag pa buntis after 1yr na pdgsasama mamin saka n ako magheside n sya n nga kc kinikilatis ko muna ugali nya,kong ndi ko gusto,lalayasan ko sya,kaso iba2x namn kc tau,wla n tau mgawa anjan n yan,, 3rd..wag n wag mo na balikan,wagkang maniwala n hindi n gagawin yan,yan lang deskarte s mga taong manloloko dhil wla n clang ibang maloloko....nakranas n ako ng ganyang lalaki sa una kong kinasama,ganyan din sau namumugbog may laheng berna,at babaero pa..buti nlang in nauntog ako after1yr.at kya ndi nabuhay anak namin nun eh kc bugbug sarado ako,paglabas ni baby 5hts lang tinagal,sya kv nagsusuffer s lahat ng hinanakit kot sama ng loob.kaya ikaw wagkang pakatanga at marter jan,mha lalaki magaling sa eyot lang yan(pero not all),,kaya after 2yrs,heto n ulit nkatagpo ako ng kabaligtaran nya,,,ako namn now mangbogbog lalu nat may mali😊kaya ikaw ndi sya deserb sau..mkatagpo k rin.soon.

mamash di na pinag iisipan un if iiwan m or hndi, frm d start plng mamsh eh ekis na, frm d start plng alam m n na puro pakabig sya anong mapapala m sknya khit emotional support ala, ala n nga financial khit emotional support nlng sna ,di maggng maganda buhay nyo ni baby, wg kn magdalawang isip n iwan sya , s simula mahirap pero lakasan m loob m lahat ng gngwa nya syo itatak m s isip m gsto m b na ganong buhay s knya? masarap maging mommy mgpakabusy ka s pagiging mommy m s baby m wth the help of ur family and friends madali mong malalampasan yan nang wala sya s buhay mo promise, kahit mkipagbalikan yan wg m n babalikan lagi m isipin lahat ng masasamang gngwa nya syo, uutuin k lng nyan wla n yan pag asa magbago mamsh wg m sayangin buhay mo at mostly buhay ng anak mo ,pray ka lagi mamsh as in pray ka lng ng magpray. s simula lng mahirap , di m alam gano kasarap mbuhay ng peaceful at wlang toxic s buhay kaya iwan m n yang toxic n tao n yan ,c baby bngay sya ni lord para makasama m habang buhay n magpapawi ng lahat ng katoxikan n gnawa nung lalaki n un, promise mommy makinig ka lakasan m loob m pilitin mo n mabuhay ng ala un lalakeng un, utak paganahin m wg puso. di sya kailangan ni baby m wla sya karapatan maging ama s ugali nya.

naiyak ako dto. hiwalay na po kami ang hirap maging single mom from the moment na ngbubuntis ako labor.. puyat mgalaga pero kailangan kong magpakatatag

TapFluencer

hi maaaaamsh .. Binasa ko yung story mo and that makes me feel na sana magkaron ka ng lakas ng loob to permanently end things up between your partner hindi para sa anak mo, o para sa partner mo kundi para sa sarili mong katahimikan. In the 1st place its not an excuse na manakit ng babae dahil lang nagger ka or kung ano man ang sinasabi mo sakanya. 2nd think of your baby 100 times yan ba yung buhay na gusto mong ipamulat sakanya? pagka-panganak mo sakanya? It will never be a healthy environment for the both of you. 3rd Mahal ka ba nyang partner mo? para magbitaw sya ng salitang mga ganyan sayo? anong kasalanan mong matindi para pagsalitaan ka nya ng ganyan na parang hindi ikaw nanay ng magiging anak nya. 4th ppwede mo sya ipakulong sa lahat ng ginagawa / ginawa nya sayo at sa baby mo. Mommy its no longer the feelings kapakanan na dapat ng baby mo yung mas mauuna more than anything else. 5th Do everything to forget this phase ng buhay mo it's hard yes but, recover 100% use it as a weapon para mas maging matatag para sa baby mo. I hope my message can reached you mind & heart na mas piliing tuldukan ang mga bagay na mas sisira sa buong pagkatao mo. Thank you keep safe I hope you & your baby safe too.

Hello mommy, nasayo pdin po ang desisyon pero para sakin po advice ko po na wag nyong hayaan ibaba ka o mbaba ang tingin satin ng kahit na sinong tao lalong lalo na magiging partner ntin. Hindi po ntin kaylngan ng ganyang klaseng tao sa buhay natin, yan lang mag papahirap satin. Mas masarap mabuhay ng walang negative o toxic na tao na sa buhay natin. Wag i tolerate ganyang klaseng lalaki, unang beses palang na mabastos o masaktan physically at ilang beses na maloko tama na po. Pag isipan nting mabuti kaylangan ba ntin ng ganitong klase ng tao sa buhay ntin. And if mag stay tayo saknila anong mapapala natin. Ang kaylangan ng baby natin ang mas mahalaga. Ituon nyo na lang po yung atensyon nyo kay baby. Promise once na lumabas si baby at makita mo kung gaano sya ka cute at kaamo mwawala lahat ng sakit. Kung mahal kang tunay ng isang tao hindi sya gagawa ng ikasasakit mo. Wag nyo pong hayaan na mas grabe pa ang next na mangyare sayo mommy lalo na pag dumating na si baby. God Bless po mommy, wag ka na po mag pa ka stress now para kay baby. Think positive always para sainyong dalawa ni baby ❤️

Sis alam mo ang dapt mo gawen ang hiwalayan siya at kalimutan na siya kso naghahanap ka pa ata ng dahilan na majustify na mabalikan siya .. una sa lahat alam mo na inaabuso ka ptuloy ka pdin wake up, gusto mo ba na lumabas ang anak mo at mawitness niya na ganyan ang tatay niya o ganyan ang pamilya ninyo? huwag mo isipin ang sarili mo at ang ibang tao isipin mo ang bata lalabas sau , mahalin mo ang anak mo humingi ka ng tulong sa parents mo na magabayan kau hnggng sa paglaki ng bata ng wla tulong ng tatay niya wlang kwenta, huwag ka mag habol sa taong wla kwenta dhil ikw lang mhihirapan, wlang masama bumitaw kung alam mo nkakasama na para sau ,let go sis mas sasaya ka pag wala na siya sa buhay mo makakahinga ka ng mluwag at huwag mu na siya isipin .. anak mo nlang at kung paano mo bubuhayin anak mo.. ako single mom din ako dati alam ko wla na pag asa relasyon nmin ng tatay niya sinabe ko sa sarili ko ilet go na lahat, ayun simula nun gumaan buhay ko dhil natuto ako maglet go sa bagy na toxic na at ayun minahal ko ng sobra ang anak ko..

hii same na same tayoo haha sobrang naaawa lang ako sa anak ko kaya ayokong iwan kasi ayokong lumaki sya na walang ama although anjan mga kapatid ko para tumayo bilang ama. tuwing mag aaway kami palagi nyang sinasabi na “ako ba talaga nakauna sayo? parang hindi naman” “alak lang bibigay ka” “pa*yot ka” ang pinaka masakit pa “ako ba talaga ama nyang bata?” sobrang sakit sobrang below the belt na. tapos gusto nya makipag ayos ako sakanya ng parang walang nangyari? na prang di ako nasaktan sa sinabi nya? haha bullsht diba. sobrang thankful ko parin kasi anjan anak ko para humupa yung sama ng loob ko sa ama nya. kahit na sobrang tino mo sasabihan ka parin ng ganun. ndd that’s not true love tho kasi ang tunay na pag mamahal kahit ano ka pa tatanggapin ka at di ka hahayang mawalan ng respeto sayo. so cheer up mommy hindi ka nag iisa. sa ngayon pipilitin kong huwag syang pansinin kasi sobra na sobra na din ang ginawa nya saken. sobrang same nga tayo kasi pati pang bubugbog pang bababae pag inom lahat lahat pareho tayo.

Sorry ah! Pero tanga ka ba? You dont need to get an advise to us nor to an expert if he already hit you! Buntis ka tapos papayag kang magpabugbog skanya. Wake up girl! Ipatulfo mo para magdala. Please! Pasalamat ka at naka survive ka sa first trimester kahit na stress ka na at binubogbog ka ng gago mong bf. Ibig sabihin mahal ka ng anak mo kaya matindi ang kapit nya sayo kase kung iba yan nako dinugo ka na at baka nawala na pati baby mo sa sobrang stress. Kaya ka ginaganyan ng bf mo dahil madali kang makuha. Konting seeet nya lang sayo bigay ka agad. Ngayon wake up!!!! You should be alarm LUMABAN KA PARA ANAK MO AT HINDI PARA SA SIRAULONG YAN! TURUAN MO NG LEKSYON NG MAGTANDA AT MALAMAN NYANG MALI SYA NG SINAKTAN! mag message ka kay tulfo in action sa FB. Nagrereply sila lalo na pag ganyang case. Please help and love yourself. Hindi natin kailangan ng lalaki para mabuhay! We AS A WOMAN WE CAN LIVE WITHOUT THEM - BUT THEM THEY CAN'T LIVE WITHOUT US!

sis ngayun pa lang wag kang mag bulag bulagan..kung nakkta lang talaga ang future naten cguro d na dn muna ako mag aasawa..nasa huli talaga ang pag sisisi..totoo nga talaga ang sinasabi ng magulang..ung ganyan ugali d yan kawalan.palamunin na nga nanakit pa anu ba maipag mamalaki nyan..jusko nakakainis ung ganun😅🙏 ung tipo na d ka nag hirap sa puder ng magulang mo.lahat ng gusto mo kainin nasusunod.pero nung mag asawa ka dun naranasan naten maging mahirap.wala nman ako masabi sa asawa ko kc subrang bait..pero minsan nag aaway dn kami dahil sa pera.cnu ba d maiinis buntis ka tapos wala ka makain.minsan sinasabihan ko talaga sya na naging pulubi ako sa puder nya hindi princessa😅 pero pabiro lang nman un.pabirong may laman..subrang thankful naman ako sa side nya na d kami pnbbbayaan..kaya kung ako sau sis wag ka magdalawang iwan yang live in mo..marame ka pang mahahanap na kaya i give back yang love mo😊 LESSON learned❤

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan