Stress sa buntis?
Mga momsh. Sino po dito yung stress ng 1st tri until 2nd tri pero normal naman po ang baby? Kasi nag aalala po ako kasi panay iyak ko po kasi at stress mula 1st tri gang now na 17 weeks po ako. Nag aalala po ako sa baby kung ano mangyayarr saknya. Please help po. #firstbaby #FTM
as a teenage mom nung first trimester talaga sobrang stress talaga lalo na't may strikto kang tatay. iyak ako ng iyak at kahit pigilan ko hindi ko talaga maiwasan. tuwing tutulo na yung luha ko nag sosorry nalang agad ako kay baby at kinakausap na sana kumapit lang sya. and now kahit na tanggap na ng parents ko at ayos na kaming lahat ngayong mag ti-third trimester na ako naiistress pa din ako paminsan minsan. samin ng partner ko dahil hindi padin kami nag kakasama sa iisang bubong. tho may inuunti unti nang bahay dito sa bakuran (bahay ng parents ko) para samin hindi ko parin masisi yung partner ko kung nalulugmok sya. sya lang naman kasi ang nagtatrabaho at mas naiistress sa pag babudget ng sinasahod nya. kahit ayaw nyang madamay ako sa stress nya sa pera di rin maiwasan kapag pinagtalunan na namin yung about sa pagsasama namin. naiintindihan ko naman sya at the same time pero di ko mapigilang lumaban kapag nadadamay nya yung magulang ko sa hinaing nya. pero at the end of the day naman sya rin ang humihingi ng tawad. hopefully makahinga hinga na kami ng maluwag kahit papano sa bahay na hindi matapos tapos. ang mamahal na kasi ng materyales sa panahon ngayon. inuuna pa namin yung sa pagbubuntis ko.
Đọc thêmako lumayas ako nung 1st tri.ko,,nilayasn ko partner ko kc dnugo ako ng dhil s stress zknya hnd nman nia sinsktan ng pisikal pro hnd ko prin gz2 ang buhay n mron kmi nag kasundo nman kmi pro ung grabeng iyak ko un ung 4 months n tiyan ko at nalasing xia nsbi nia zkin n gngwa nia lhat ng hrap pra smin tpoz hnd nman pla zknya ang pinag bubuntis ko dun ako nsktan ng sbra,,halos mdling arw n iyak prin ako ng iyak at nsa labas p ko ng bahay nun nagttgo ako zknya auko kc xia mkita,,pro s huli nkita prin nia ako at nag sorry xia pro naging matabang n pkikitungo ko zknya,mgkzma prin kmi hanggang ngaun at hnd maiwasn n ang away pro xia prin s huli ang lumalambing zkin,at ako nman tatanggapin xia kesa maestres ako xia nlang ma estress sming dlwa,,khit s pg lalaba xia ang gmgwa lalo n kpg galit n ko...
Đọc thêmNung nasa first trimester ako sobrang sama ng loob ko sa hubby ko lagi kaming nag aaway kahit ang babaw lang ng dahilan naiyak nako kagad kasi hinahayaan nyalang akong umiyak ayoko kasing nilalapitan nyako naiinis ako sakanya napaka selan ko nung buntis ako kala mo talaga aping api ako HAHAHAHAHAH pero now nasa second trimester na iniiwasan kona stress ko hinahayaan ko nalang yung mga bagay na dapat hayaan lang kasi ayokong pati bby ko maapektuhan😊kaya ikaw iwasan mo stress mo kasi di yan maganda pra sayo😊
Đọc thêmSalamat mga momsh. Kami din kasi di din kami okay ng LIP ko. Minsan nagsasalita ng di maganda ang partner ko, tho di naman nya ko sinasaktan, pero kasi yung mga salita nya minsan nasasaktan ako. Sana maging okay din para sating mga mommy ang lahat. Praying for safety po sainyong lahat. Wala lang po kasi ako mapaglabasan ng nararamdaman ko. Thank you po mga mamsh.
Đọc thêmwhat you're feeling is normal but don't tolerate it. shift your mood into positive things. 2nd trimester ka na, enjoyin mo na tong moments and worth it ang happiness mo pag lumabas na c baby. don't let your emotions control you.. after you deliver the baby, be ready for more challenges in a positive way. baby can feel you mommy. ayaw nya maging sad ka
Đọc thêmiwas sa stress momsh sakin dati di ako masilan kaso nasobrahan sa stress dahil sa partner ko muntik akong makunan🥺 nung 5months tyan ko iwas muna momsh pero okay naman baby ko nakapangank nako kung may 26 😊 hindi talaga maiiwasan ma stress momsh pero need mo i handle talaga 😉
sabe ng OB iwas stress para maging safe si baby. kung naiyak si mommy mas doble pa ang nararamdam ni baby.. i suggest momsh mag headset ka and read some books iwas muna sa socmed. try mo din mag download ng headspace app
ako minumura ako ng tatay ng anak ko tapos wala pake alam sa ultrasound at check up ko naka move on na ako habang kame pa. wag kana ma stress isipin mo mas malala kalagayan ko.
ako po malapit na manganak sobrang stress na stress parin and puro iyak dahil sa stress nakakatakot baka may mangyare kay baby