Early Pamamanas/Edema
Mga momsh sino dito nakaranas magkaroon ng manas as early as 23weeks? 19 weeks palang nagstart na ako magkaroon ng manas kumain nadin ako ng munggo, nagtataas ng paa every night, liliit then babalik ulit, hindi padin mawala. Ang hirap niya ilakad ang bigat sa pakiramdam. Sa office po work ko kaya most of the time nakaupo ako but naglalaan naman ako ng time for walking. Any suggestion pa po para mawala na ito? Thanks po.
Momsh, suggestion lang ako nagmanas sin ng ganyan.. Baymax pa nga tawag ng kapatid ko hehehe.. Ito mga ginawa ko palage hindi ko alam kung ano yung nagpawala kasi ginawa ko silang lahat 1. Munggo everyday (rich in thiamine kasi) , kahit isang platito lang 2. Hindk ako nag eelectric fan or aircon, as in pawisan ako palage, kasi excess water yan kaya din tayo minamanas so dapat tulungan nating mabawasan ng water 3. Twinh gabi nagbababad ako ng paa sa mainit na tubig na may asin 4. Taas ang paa sa dalawang patong na unan, pero hindi ko to lageng nagagawa nakakangawit kasi lalo pagguato ko na matulog Para sakin pinaka effective sakin yung 1-3
Đọc thêmSis ang ginawa ko nung nagmanas ako... lahat ng kinakain ko foe 3 days walang asin, elevate ko paa ko 30 mins bago matulog as in L style tpos pag natutulog nmn may 2 unan na patungan paa ko... inum ako ng inum ng water para maflash yung saltyness na nakain ko tpos nagyayapak ako sa bahay.... after 3 days manas no more na ako... pero di ganyan kasobrang manas very light lang pero try mo sis baka effective din sau...
Đọc thêmThanks po.
Asking for advice po sya, wag po sana natin ikompara ang atin. Iba iba po talaga ang ating mga nararanasan. Nag wowork po sya at matagal naka upo. Ang maadvice kopo ay need balanse lang wag matagal naka upo at ganun din pag sa tayo o lakad. Hydrate ang sarili lagi. Mag rest kong kinakailangan. Need mo na makapag pahinga para mawala. Best na hingi ng payo sa iyong OB para masabi mga dapat mong gawin.
Đọc thêmThanks po. Nag-ask nadin ako sa ob ko, under observation nga daw kasi nagtataka sya bakit kay aga ko minanas. Hindi naman ako high blood, ok din ung mga test. Dami na namin sinubukan para mawala ung manas pero bumabalik padin talaga.
5months ako nung nagmanas ang Paa ko, ngayong 7months ako may manas parin,halos akayin nako sa paglakad kasi masakit ang mga muscle ko sa pababa, pero nung naglakad lakad ako 10am to 10:30am ng walang suot na tsinelas ayun medyo humupa na ang Manas ko. Kain kadin ng boiled Egg, pero eggwhite lang niya.
Đọc thêmOo try mo Sis.🙂
Nakakasad kasi naalala ko nung huntis ako, never akong namanas, palagi akong naglalakad, nagdidivisoria pa ako or sm halos araw araw akong namamalengke pero wala, hindi totoo ang balita. NA-CS padin ako😭 pero ok naman na ako ngayon... very healthy ang baby ko Elevate po ang paa...
Same 😑
Nagmanas din ako nung buntis ako, as early as 6 months.. lessen salt intake, drink lots of water, wag umupo ng matagal, wag rin maglakad ng matagal, pag uupo i-raise ang legs, regularly raise legs above heart-level (ako nun sa wall ko sya ni-raise habang naka higa sa bed), massage always..
Thanks momsh..
Ang advice po saken kasi pure monggo ung nilaga lang as in wlang kahit ano tas po kapag matutulog taas lang paa tapos sa morning(kaya na ung lamig or bago maligo) naman po tinatapat ko sa shower ung paa para ung water ung nagmamassage po sa paa try mo po 😊
Momsh kmusta bp mo? Kc ganyan na ganyan dn ako dati nong 28 weeks tpos tumaas bp ko. na emergncy cs ako pag ka 32 weeks na. Pre-eclampsia na pla. Muntik na kmi ni baby, premature sya. Sa awa ng diyos ok na kmi ngyon. Pls monitor ur bp at irefer kagad sa ob mo.
Monitor mo ng maigi mamsh lalo na pag lumampas na ng 130/80 pra mkaiwas ka sa complikasyon. Inform mo kagad ob mo.
4 months pa lang po naglalakad lakad ako ng MALAYO. Yes malayo. Tipong Recto to Divisoria. Basta 3-4 hrs lakad ako lagi... 6 mos nako di akl nahihirapan. Walang kahit ano na masakit sakin kahit pagsusuka di ko naranasan. WG kasi tamad tamad..
Nagwowork din ako sis. Lagi ako naglalakad lakad. It helps.. kulang ka po sa lakad.
39weeks here. At awa ng Diyos di ako namanas. Mataba pa naman ako. Every night kasi minamasahe ni hubby ang paa ko para sa magandang pag flow ng blood daw. And kapag sa office, minsan lakad lakad din tapos tayo. Wag lagi nakaupo.
Thanks po.