My delivery journey
Hello mga momsh. Share ko lang yung pagpapanganak ko sa first baby ko☺️ October 31 duedate ko sakaniya. October 30 ako nanganak. Akala ko malalagpasan ko na duedate ko bago ko siya maipanganak. 8pm ng gabi humihilab na. Sobrang sakit na kaya pumunta na kami sa lying in kung saan ako manganganak. Sobrang sakit pag lalabor ko. Sobrang tigas ng tiyan ko sumasama pati balakang. Isang oras ako naglabor dun. Wala pa si doc. Natyempuhan ko kasi na wala siya.. sabi ng mga nurse dun pag naramdaman kung tumitigas tiyan ko umire ako. Kaya yun ang ginagawa ko.. umire ako ng umire. Sabi nila magaling daw akong umire. Pumutok na panubigan ko. Fully narin ako at active labor wala prin si doc. Nasisigawan kona mga nurse niya dun sa sobrang sakit 😂 sorry sa mga nurse 😅. Ang hirap mong bumaba baby. Hirap na hirap na ako kaya napag desisyunan kona na magpa cs kahit di tayo handa sa pinansyal.. pagka dating sa or dun na ako na cs. Kahit tinurukan ako ng painless sa lying in hindi prin tumalab kse active labor talaga ako. Kaya habang sini cs ako gising na gising parin 😅 nung nailabas kana baby nagulat sila kasi 2 loop cord ka pala. 😟 Hindi krin humihinga ng maayos nun. Sabi ni doc kaya pala hirap kang bumaba. Buti nalang daw nagpa cs ako. Wala sa isip ko na 2 loop cord ka nak kasi bago kita ipinanganak ok naman lahat sa last ultrasound natin. 1week lang ang distansya naging ganun kana agad.. pero khit ganun salamat narin sa lahat ng tumulong para maging safe tayo🥰 lalong lalo na kay papa god at hindi tayo pinabayaan. Sa lahat ng soon to be mom, makakaraos din kayo☺️ sarap sa feeling na ok kayo mag ina☺️ godbless 🥰
soon to be mom