Hi mga momsh, share ko lang kasi sobrang sama ng loob ko. Has anyone of you experienced this? I gave birth last October with my boyfriend for 9 years (1st child namin) . We were both very happy when the PT was positive (naiyak pa si bf sa tuwa - which kahit minsan d ko pa nakitang umiyak). Sobrang saya pa namin with the baby's arrival. Napagkasunduan namin na sa probinsya ako manganak para maalagaan ako mabuti at si baby habang sya naiwan sa parents nya sa Rizal. Pumupunta punta lang sya, tig 1 week after ko manganak at nung mag one month na si baby. Hindi na sya bumalik mula noon, ang alam ko ay busy sa work. Here comes January, ang sabi nya sa akin nawala na daw lahat ng pagmamahal nya sakin mula nung lumabas si baby kaya nakikipaghiwalay na. Napunta na daw lahat kay baby ang lahat ng love nya. Pwede ba yung wala ng naiwan sakin? Napakasakit para sa akin kasi mahal na mahal ko sya at hindi naman talaga kami nag aaway kaya sobrang secured ako sa relasyon namin. Yun pala mali ako. Awang awa ako sa baby ko kasi kalalabas nya plang pero ayaw na sa akin ng tatay nya. So wala ng chance na mabuo pa ang pamilya namin. Nung nakausap ko sya ng personal, bigyan ko lang daw sya ng space, baka kailangan nya lang daw ng oras para maregain ang love nya. Sobrang sakit kasi lahat lahat binigay ko sa relasyon namin. ???