75 Các câu trả lời
Ako sinabi ko lng sa mommy ko bigla na di pa din ako ngkakaroon tas sabi niya agad baka buntis daw ako magpacheck up dw ako tas sabay send ko agad ng ultrasound mismo 😁 24 yrs old naman po ako, although graduate na ako pero kasi nkasched ako na aalis dapat ng bansa para mgwork aun.
Ako nga ndi ko pa din sinasabi kina parents kahit 10 weeks pa lang. Balak kong sabihin pag uuwi na ng probinsya, pero takot parin ako, kasi ndi ako makakasampa (na pangarap nila, para makaahon sa buhay) Panganay ako at the age of 24yrs old. Pray lang tayo at lakas ng loob lang yan! 😊
Nasabi ko sa parents ko 6months na tummy ko .. sobra akong kinabahan kasi graduating at only child lng ako .. pero d naman sila nagalit sakin .. pinagsabihan lng pero masaya naman sila .. ngaun 40weeks na ako at naghihintay na lng na lumabas si baby ..
Keri yan te di na naman ganon kabata ang 23. Ako sa sobrang harot 19yrs old nabuntis hindi pa pnanagutan sobrang galit sila kasi only girl ako at bunso di nila matanggap ganon kasaklap nangyare saken walang ama anak ko pero still di ko naisip ipalaglag to.
Be honest po, at the age of 22 po ako nabuntis, nasabi ko agad sa parents ko ng 6weeks pregnant palang ako. Pinagalitan ako nila ako syempre, pero isang pagalit lang yun dahil sasabihin nila sis na BLESSING si baby at matatanggap din nila yan.
18wks preggy ako sa 1stbaby ko 23yrs old na din ako at panganay sa anim na magkakapatid ,sinabi ko agad sa mama ko nung araw pa lang na nalaman ko naging okay naman saknila. Lakasan mo lang loob mo matatanggap din naman nila yan😇
ohh dear at ur age, tama na yan,. tanggapin mo nalang anu man ang sabihin o gawin ng parents mo sau.. bsta supportive c partner okey lang yan, mtatanggap din nila yan, baby is a blessing.. basta tuloy mu padin pag aaral mu..😉
Just tell them. Para sakin hindi naman na ganun kabata pa ang 23 years old kahit pa ba na nag aaral ka pa. And mas maganda kung sabihin ng mas maaga. Kasi kung patatagalin pa, mas mahihirapan ka lang umamin sakanila.
Actually ako di ko nasabi, napansin nilang tumataba ako pero as soon as possible dapat sabihin mo sa kanila. Sa una ka lang papagalitan, pero paglabas ng baby mo lahat matutuwa. Pero luckily, di ako pinagalitan.
Just tell them asap, tantyahin mo muna kung good mood tas saka mo sabihin, respect whatever their reaction at humingi ng tawad. Lilipas din yung galit nila, before ka.manganak matatanggap din nila ang sitwasyon.
HappyLiving