Hello mga momsh, need help. Worried na ako. At alam nyo naman kapag 1st time mom praning. We always make sure okey lang babies natin.. and hirap sa part ko solo lang walang matandang mapagtanungan kung normal lang ba o hindi nangyayari sa lo ko.
So eto na nga, kahapon napansin ko kay lo(1month old) tulog lang sya ng tulog.. nag ooffer ako ng milk sknya pero ayaw nya kahit almost 3hrs na syang di nadede. At kung dumede naman sya konti lang 1oz lang lagi di katulad dati 2oz na pinakakonti nya.. breastmilk gamit ko and sa bottle ko sya pinapadede.. once a day ko lang sya pnpalatch sa dede ko kapag tinamad lang ako magpump.. (sinasanay ko na kasi sya sa bottle para pagbalik ko sa work di na kami hirap) di naman sya naiyak kaya di ko alam kung gutom na ba sya.. offer ako ng offer ng milk sknya and wala syang matinong pagdede laging saglitan lang dede nya.. di sya nakakaubos lagi.. worried ako baka di sapat yung pagkain nya.. ako lang ba ang may baby na ganito? More on tulog and less dede..