2 Các câu trả lời

Hello! Mas mabuti na ituloy ang gamutan ni baby at makuhanan ng tubig sa likod kung nagseizure c baby dahil baka meron syang neonatal meningitis. Ang neonatal meningitis ay impeksyon sa balot ng utak. Matagal ang gamutan kung mpapatunayan na meron syang ganito, isang buwan o minsan mhigit pa. Ang pagseizure ng anak mo ay maaaring dahil sa 1. pneumonia, nakulangan ng oxygen o 2. neonatal meningitis, impeksyon sa balot ng utak na nalalaman lamang sa pamamagitan ng pagkuha ng tubig sa likod. Kadalasan ang mga baby n may ganito ay matamlay o kaya ay may lagnat. Kung negative ang resulta ng tubig, hindi meningitis, maaaring iba ang dahilan ng pagkombulsyon. Sa tanong na gusto mong magpasecond opinion, pwede naman pero gawin mo ng nagpapalipat via ambulance conduction o itatawag ng doktor sa doktor para mailipat kayo ng may kasamang doktor at para siguradong walang mangyari sa daan. Kung mpagpapasyahan nyo kasi na kayo lang ang mag uuwi at maghahanap ng ospital na iba. Baka mahirapan kayo sa paghahanap ng ospital at baka may mangyari sa daan habang inuuwi o naghahanap kayo ng ibang doktor. Naway gumaling na ang iyong baby. Godbless!

balak ko lang po ituloy ang 7days treatment ng antibiotic po

Hi mommy, nag ka uti ka po ba na malala?

hindi naman po ako nagka uti.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan